P137 milyong smuggled vape products nasabat
MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P137 milyong halaga ng misdeclared vape at vape-related products ang nasabat sa Manila International Container Port (MICP).
Sa pahayag nitong Miyerkules ni MICP District Collector Atty. Geoffrey K. De Vera IV na sila ay nagpalabas ng Alert Orders laban sa siyam na containers, na nag-a-awtorisa sa pagsasagawa ng isang 100% physical examination sa Designated Examination Area na kung saan ay natuklasan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na naglalaman ito ng nasabing mga puslit na produkto.
Ayon sa BOC, ang shipments na nagmula sa China ay unang idineklara bilang cardboard boxes, accessories, packaging bags, kitchenware, underwear, clothes hangers, shoe boxes, at footwear.
Nang isagawa ang physical examination ng mga Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) ay natuklasang naglalaman pala ang mga ito ng misdeclared vape at vape-related products na aabot sa P136,924,250.00.
- Latest



















