^

Police Metro

Castro, ‘di nagsampa ng reklamo sa mga ‘bastos’ na Pinoy sa Canada

Gemma Garcia - Pang-masa
Castro, ‘di nagsampa ng reklamo sa mga ‘bastos’ na Pinoy sa Canada
“So, may mga ganyan tao. May freedom of expression tayo, pero hindi naman kailangan maging bastos. Pilipino kayo, hindi naman ganyan na ugali ng mga Pilipino eh,” she added.
MPC Pool

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi na sila nagsampa ng reklamo laban sa mga Pilipinong nagprotesta at umano’y nambastos sa kanya sa isinagawang opisyal na pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Canada.

Sinabi ni Castro na iginagalang ng gobyerno ang karapatan ng bawat isa sa malayang pagpapahayag ng kanilang opinyon, kaya’t hindi na nila itinuloy ang anumang legal na aksiyon laban sa mga nagprotesta.

Hindi naman aniya niya alam kung mayroong kumukumpas sa kanila o nagbabayad sa kanila.

Ikinagulat naman ni Castro, ang umano’y kabastusan ng ilang Filipino sa Canada na nagkompronta sa kanya na hindi nila inaasahan na magiging ganoon at kawalang galang ang mga Pinoy doon.

Giit ng tagapagsalita ng palasyo, nirerespeto naman niya ang freedom of expression ng mga Pinoy doon subalit hindi dapat lumampas sa maayos at magalang na talakayan.

Hindi naman aniya sila ang naapi kundi ang bansang Pilipinas dahil ang pinakita nito ay kung anong klaseng Pilipino sila.

CLAIRE CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with