^

Police Metro

Batang lalaki nadulas sa ilog, nalunod

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Batang lalaki nadulas sa ilog, nalunod
Nakuha na kahapon ng mga otoridad ang labi ng 7-anyos batang lalaki na nalunod sa ilog matapos na madulas nang tangkain nitong kunin ang tali ng kanyang saranggola noong Lunes ng gabi at ang bangkay ay natagpuan sa San Juan River, Apolonio Samson, kahapon ng umaga.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 7-anyos na lalaki nang malunod at anurin ng rumaragasang tubig sa Dario River sa Barangay Bahay Toro, Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Batay sa inisyal na ulat, sinubukang kuhain ng bata na pinangalanang si Joven Asuncion ang “string” ng kaniyang saranggola ngunit nadulas ito sa ilog.

Nakakapit pa umano ang bata sa isang maliit na puno at nakahingi pa ng tulong ngunit inanod din ng rumaragasang tubig bunsod ng malakas na agos nito.

Matapos ang 12 oras ay natagpuan ang katawan ng bata sa San Juan River sa Barangay Apolonio Samson, nang ito ay makita ng ilang mangangalakal ng basura.

Bago matagpuan ang bata ay buong gabi ang isinagawang operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), at Barangay Bahay Toro upang mahanap ang katawan nito.

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with