Ken Chan, nagparamdam habang nagtatago!

Nagparamdam si Ken Chan sa kanyang followers sa Facebook, nag-post ito ng emoji ng hand waving, walang caption, emoji lang at umani ng maraming comments. For sure, nabasa ni Ken ang mga comment na in fairness, walang bashing.
Sample ng comment, “Ken Chan, miss ka na namin balik ka na,” “Ken Chan miss you,” ‘Pakatatag ka. God bless and protect you,” “Kumusta ka na? Sana maging okay na ang lahat sayo para makabalik ka na sa TV,” “Buhay ka pa? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?,” “He’s back! Tapos na ang tagu-taguan” at ang aliw na comment na “Kung mawalan ka ng career, si Coco Martin tutulong sayo. Sana ipasok ka niya sa Sigabo.”
May nagbalita naman kay Ken na nag-asawa na ang ka-love team niyang si Rita Daniela na of course, hindi totoo dahil boyfriend pa lang ng singer-actress ang kasa-kasama nito.
May nagwe-welcome back din sa kanya kahit wala pa siya sa Pilipinas. Huling napanood ang aktor sa serye Destiny Rose.
Kasalukuyan diumano itong nasa ibang bansa at nagtatago dahil sa mga kinaharap niyang kaso.
Bimby, gwardyado na ng fans!
May isyu na rin pala kay Bimby Aquino at ibig sabihin, binabantayan na ng viewers ang kanyang mga kilos at sasabihin. Lalo na ang mga kilos kapag kasama niya si Ryzza Mae Dizon.
Sa isang reels, makikitang magkatabi na naglalakad sina Bimby at Ryzza nagkukuwentuhan at sa isang part ng reels, inilagay ni Bimby ang braso niya sa balikat ni Ryzza. Hindi pala ‘yun nagustuhan ng ibang fans, hindi raw magandang tingnan lalo na at bini-build up silang love team ng EB.
Comment na “Nakaka-turn off naman, ginawang patungan ng braso ni Bimby ang balikat ni Ryzza.” “Wag naman sana ilagay ni Bim ung braso niya sa balikat ni Ryzza.”
Mabilis na dumepensa ang fans dahil sabi raw ni Jack Salvador, love language ng dalawa ang ginagawa ni Bimby at walang masama dahil magkaibigan sina Ryzza at Bimby. Nakiusap ang ibang fans na ‘wag gawing malaking isyu ang pagpatong ni Bimby ng braso sa balikat ni Ryzza para good vibes lang.
Samantala, pinuri ng mga fans si Bimby dahil mahal na mahal nito ang kuya na si Josh. Nang bumisita si Josh kay Bimby sa Eat Bulaga, tinawag siya ni Bimby sa stage at pinatabi sa mga host. Nag-request pa si Bimby kay Josh na mag-great sa mga Dabarkads at ginawa nito.
Panalo rin sa fans ang gesture ni Bimby to kiss Josh nang um-exit sa stage ang kapatid. Ang ibang kapatid, hindi raw ganu’n ka-sweet, pero ang mga anak ni Kris Aquino, ramdam ang closeness at pagiging sweet sa isa’t isa.
- Latest





















