Ex-cop na wanted sa murder sumuko
MANILA, Philippines — Sumuko na ang isang dating pulis na wanted sa kasong murder matapos ang tatlong taong pagtatago sa batas sa himpilan ng Police Regional Office (PRO) 6 sa Eastern Visayas sa Iloilo City.
Sa report ang suspect na tinukoy lamang sa alyas na “Jerry”, 40-anyos ng Arevalo District, Iloilo City ay sumuko sa Camp Martin Teofilo Delgado sa Fort San Pedro ng lungsod bandang alas-12:45 ng madaling araw.
Ang dating pulis na wanted na matagal na nagtago sa batas ay may warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 31 sa Iloilo City noong Abril 26, 2022 at walang inirekomendang piyansa kapalit ng kalayaan ng nasabing wanted.
Isinurender din ng nasabing wanted na pulis ang kaniyang Taurus YS9 service pistol na may magazine.
- Latest















