^

PSN Showbiz

Jonathan, umani na ng mahigit 10 bilyong streams

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Jonathan, umani na ng mahigit 10 bilyong streams
Jonathan Manalo
STAR / File

MANILA, Philippines — Malaki ang pasasalamat ng Filipino songwriter-producer at Recording Academy voting member na si Jonathan Manalo sa mga tagapakinig ng musika sa pagkamit niya ng mahigit 10 bilyong all-time streams.

Aniya, “It’s a number I’m deeply grateful for, but more than a milestone, it’s a reminder of the incredible journey that music can take. Every stream represents a listener who connected with a song, a story, a melody, or a moment that meant something to them.”

Umabot na sa 10.2 billion streams ang pinagsamang musika niya sa iba’t ibang digital platforms, kabilang ang Apple Music, Spotify at YouTube, base sa datos ng Muso AI nitong Hunyo 25 na isang natatanging milestone bitbit ang mga naging bahagi na ng iba’t ibang henerasyon.

Kabilang dito ang timeless songs na isinulat at iprinodyus ni Jonathan para sa mga natata­nging OPM artist mula kay Gary Valenciano, Lea Salonga, Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid at Lani Misalucha hanggang kay Sarah Geronimo, Kyla, Erik Santos, Ebe Dancel, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Jona, Moira Dela Torre, SB19, BINI, BGYO at marami pang iba.

Patunay ang streaming milestone na ito sa walang kupas na hatak ng mga orihinal na soundtrack ng mga minahal na pelikula, teleserye at digital series—mga awiting nagiging bahagi ng alaala ng mga manonood habang naaabot ang mga bagong tagapakinig.

Kasabay ng milestone na ito, ibinahagi ni Jonathan ang excitement niya para sa pagpasok ng Best Asian Pop Music Performance na pagkilala sa GRAMMY Awards.

Naniniwala rin siya na isa itong hakbang na magbibigay ng inspirasyon sa mga Pinoy at magbubukas ng mas marami pang oportunidad sa international stage.

Si Jonathan ang sumulat at nagprodyus ng mga minahal na awitin tulad ng Tara Tena, Gusto Ko Nang Bumitaw, Pagbigyang Muli, Patuloy Ang Pangarap at Pinoy Ako. Malaki ang naging ambag niya sa timeless catalog ng maraming OPM artist tulad nina Angeline Quinto, Erik Santos, Kyla, Ice Seguerra, Morissette, Moira Dela Torre, at iba pa.

Globe, nilunsad ang ‘Just For You’!

Sa paglulunsad ng GFiber Prepaid ‘Just For You’ (JFY), mas nagiging personalized ang paraan ng pagkonekta ng bawat miyembro ng pamilya sa tahanan.

Kinikilala ng Globe na magkakaiba ang panga­ngailangan ng bawat tahanan pagdating sa internet, kaya nag-aalok ang JFY ng maaasahan at mabilis na fiber connectivity na angkop sa natatanging pangangailangan at budget ng bawat pamilya. Dahil hindi iisa ang solusyon para sa lahat, gumagamit ang Globe ng impormasyon tungkol sa mga loading pattern at kagustuhan ng mga customer upang makapaghatid ng mas angkop at mas personalized options.

Maaaring samantalahin ng mga bagong customer ang mga espesyal na onboarding offer na nagpapadali sa kanilang pagsisimula. Samantala, hinihikayat naman ang mga kasalukuyang customer na subukan ang mas mabilis na internet speeds sa pamamagitan ng mga promo na angkop sa kanilang lumalaking digital na pangangailangan.

Para naman sa mga budget-conscious na pamilya, may mga mas abot-kayang option upang manatiling konektado nang hindi lumalagpas sa kanilang budget. Tinitiyak nito na ang bawat tahanan ay makakahanap ng offer na tunay na angkop sa kanilang pamumuhay, pag-aaral, pagtatrabaho at paggamit ng internet.

Hindi tulad ng mga traditional broadband plan na kadalasang may mahigpit na buwanang kontrata, ipinapakilala ng GFiber Prepaid JFY ang isang reloadable at perso­nalized home internet experience.

Sa pamamagitan ng GlobeOne app, maaaring ma-access ng bawat subscriber ang mga broadband promo na may bilis na umaabot hanggang 300Mbps.

JONATHAN MANALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with