Kris nambulaga, Ryzza pinayuhan!

Nanggulat si Kris Aquino kahapon sa Eat Bulaga.
Dumating ito kung saan guest co-host ang anak niyang si Bimby.
Isa ito sa bihirang-bihirang pagkakataon na nagpakita sa publiko si Kris simula nang madiskubre ang kanyang sakit.
Suot ang puting kamiseta at itim na palda, tumayo sa audience area si Kris at sinalubong ng mga host.
Habang si Ryzza Mae Dizon, na inili-link sa anak ay lumapit sa Queen of All Media para batiin ito.
In all fairness, maganda ang awra nito at nagkalaman.
“Mag-kiss ka sa future mother-in-law mo,” paunang biro ni Kris kay Ryzza Mae na game na game namang ginawa.
“Doon sa nabalitaan kong nang-aapi sa’yo, don’t mind them because success is the best revenge,” payo niya pa rito.
Say pa ni Kris kay Ryzza: “Ang laki ng ginanda mo. Sa tingin ko dahil may nagpapaganda sa’yo,” habang nakatingin kay Bimby na siyempre ay ikinakilig ng mga andun.
“Mahal ko kayong lahat, Dabarkads! Pwede ba akong maging guest host sa susunod?” Na siyempre ay ikinatuwa ng fans na andun sa studio ng TV5.
Nauna nang nagpasalamat si Kris sa pagtanggap kay Bimby sa noontime show ng TV5.
Maraming naka-miss sa kanya.
- Latest























