Takot mawala ang boyfriend
Dear Dr. Love,
Tatlong linggong naglaho ang boyfriend ko, ang katuwiran niya ay nasira raw ang cellphone niya, kaya hindi raw siya agad nakapag-text man lang sa akin. Hindi rin daw niya nagawang dumalaw sa amin dahil sa sobrang pagka-busy niya sa trabaho. Pero noong mabuksan ko ang messenger niya ay nabasa kong may iba siyang babae, pero nagkagalit din sila. Hindi ko pa nakompronta ang boyfriend ko dahil takot kong mawala siya muli. Gusto ko na lang sanang kalimutan ang mga nabasa ko sa messenger niya. Ang mahalaga ay nagbalik siya sa akin ‘di ba? Pero tutol ang mga friends ko sa ginawa ng boyfriend ko. Tanong ng mga friends ko kung hanggang kailan ba raw ako magbubulag-bulagan sa cheater kong boyfriend. Tama ba sila?
Maki
Dear Maki,
Tiyak na sobrang na-miss mo ang boyfriend mo, kaya binigyan mo pa rin siya ng pagkakataon. Pero tama ang mga friends mo, na hindi mo makita ang maling niyang ginawa.
Bakit hindi mo siya diretsahang kausapin tungkol sa nabasa mo upang mabigyang linaw ang panloloko niya sa iyo. Baka sakaling magi-sing ka sa katotohanan na pinaiikot ka lang ng dyowa mo.
Huwag kang manghinayang sa cheater mong boyfriend. Dahil tiyak na marami pang matinong lalaki na mas deserve mo.
Dr. Love
- Latest

















