Female star, maldita ‘pag walang camera
Naambunan ng maldita factor ang isang female star na naka-jackpot ng guwapong kapareha kaya umalagwa ang career!
Pero binago rin pala si female star ng tagumpay at ang ilang nakakatrabaho niya ang nakakaalam ng pagka-maldita niya!
Sweet siyang tingnan pero kapag wala na sa harap ng kamera at tao, naku, umiiral na ang pagiging maldita niya!
May demands siya kung sino ang gustong makasama sa project bukod sa kanyang fave na kaparehang lalaki!
Eh maging si boylet daw eh iritado na sa kanya dahil maging siya eh pinagmamalditahan! Feeling ni girl, kung hindi dahil sa kanya eh hindi mabibigyan ng break sa ibang bahagi ng showbiz si boy!
Eh kaya naman ang magulang ni boy, bwisit din kay girl na feeling niya eh kaya na niyang magsolo!
Pero may isang event si girl na tila may problema at inisip ng sumusubaybay kinakarma siya dahil sa kanyang kamalditahan!
Naku, ang mga baguhang artista nga naman na nakatikim ng konting tagumpay, diva-diva na agad!
Caprice, magpapalit ng apelyido?!
Mabuti na lang, nanalo si Caprice Cayetano bago naging kontrobersyal si SP Alan Peter Cayetano, huh!
Bukod sa You’re My Favorite Song ay in demand pa siya sa ibang projects.
Eh alam naman ninyo ang nangyayari sa Senador involving SP Cayetano!
Kamag-anak ba si Caprice ng mga Cayateno? Too late naman kung magpapalit siya ng apelyido at magpaka-Claudia Barretto, huh!
- Latest






















