^

PSN Showbiz

Hydra... hinihiling namapanood ng mas marami

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Hydra... hinihiling namapanood ng mas marami
Mylene Dizon at Zanjoe Marudo

Grabe ang ingay ngayon sa socmed tungkol sa opisyal na mainstream screening ng pelikulang Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan ni Dustin Celestino na unang ipinalabas nung Oktubre 2025 sa Cinemalaya.

At ang maraming nag-iingay, ang mga estudyante na sumisigaw na sana’y dumami pa ang mga sinehan na magpapalabas ng political-drama na ito na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Mylene Dizon, Jojit Lorenzo, Nanding Josef at Dolly de Leon.

Napapanahon ang Hydra lalo na ngayong maraming hinaharap na pagsubok ang bansa na apektado ang mga mamamayan lalo na sa estado ng ekonomiya at pulitika sa Pilipinas.

Mapangahas ang Hydra sa pagsiwalat sa mga realidad ng socio-cultural at political conflicts at kung paano nito naaapektuhan ang buhay at moralidad ng mga tao.

Layunin din ng mga teacher na ipapanood ito sa kanilang mga estudyante para malaya nilang mapag-usapan sa paaralan ang mga isyung panlipunan.

Pero paano nga naman ito mapapanood kung sa iilang mga sinehan lang ito mapapanood?

Nawa’y maraming mag-sponsor ng block screening upang maraming makapanood at magkaroon ng gabay o liwanag ang iba sa pelikulang Hydra.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with