Ang tatlong Doberman ni Gen. Capili, bow!
Sino itong tatlong Doberman na ginigisa ang pangalan ni Northern Police District director Brig. Gen. Benliner Capili sa sugal-lupa, paihi at iba pang pagkakitaan? Kinilala ng mga players sa NPD ang mga Doberman na sina alyas “Rolly”, “Edwin” at “Eking”. Sinabi ng mga kosa ko na itong si “Rolly” ay sanggang-dikit kay Capili, at s’yang kausap ng mga players, samantalang sina Edwin at Eking ang taga-dampot. Get’s n’yo mga kosa? Itong si Rolly ay aktibong pulis, habang itong sina Edwin at Eking ay mga retired cops. Ayon pa sa mga kosa ko, puro bukol ang inabot ni Capili sa tatlong Doberman. Bakit? Kasi nga mga kosa, ang dapat na weekly payola sa DD-NPD ay P230K subalit ang ipinaparating lang ng mga Doberman ay P190,000. Totoo kaya ang figure na ito? Anong say n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi lang ‘yan? Ayon pa sa mga players, binubutas at dinadampot din ng mga Doberman ang para sa District Special Operating Unit (DSOU). Kaya lang sa kasamaang palad, hindi nila nilulutang ito. Kaya paldo itong tatlong Doberman, no mga kosa? Ang buong akala ng mga players, dinadagdag ng tatlo ang para sa DSOU kay DD napupunta subalit nagkamali sila. Purbidang yawaahhhhh! Dapat siguro magpaikot ng sariling tao itong si Capili para maarok n’ya kung totoong binubukulan s’ya ng mga Doberman. Pero bago ang lahat, bumili s’ya ng helmet at baka malalakimg bukol ang aabutin n’ya. Ano ba ‘yan? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sinabi ng mga kosa ko na ang iniikutan ng mga Doberman ay itong lotteng at EZ2 financiers na sina Kagawad Camacho ng Bgy. 14, Kagawad Nardo at Kap Michael sa Caloocan City. Hiniling ni alyas “Prades” sa Chief of Police ng Caloocan na ipasara ang mga EZ2 at Lotteng dahil bumababa ang kubransa n’ya. Malalaman din natin kung tumalima si COP, di ba mga kosa? Sa Valenzuela naman ang mga financiers’ ng lotteng at EZ2 ay sina Oyie, Sammy at Jong, na lubog ang operation. Mismooooo!
Wa epek kay PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. itong mga sugal-lupa kaya lang ang kinamumuhian n’ya ay ang talamak na “paihi” operations, na maliwanag naman sa sikat ng araw na economic sabotage ito. Sumabay pa ito sa krisis sa Middle East na naging dahilan para lumobo ang presyo ng fuel products sa Pinas. Sa pagkatanda ko, may dalawang “paihi” operations na ang na-raid ng HPG d’yan sa Camanava. Subalit hanggang sa ngayon, nag-o-operate pa ang “paihi” nina alyas “Boy Palawan” sa Navotas, alyas “Jacob” at alyas Ronnie sa Valenzuela City.
Para sa kaalaman ni Nartatez malakihan itong “paihi” nina Jacob at Ronnie sa Commonwealth Ave. itong kay Ronnie, na malapit sa Rhoden gas station, ay na “raid” ni kosang Mario Batuigas, nahinto ng isang araw, subalit sa ngayon ay balik operation na. Siyempre, may basbas ng mga Doberman itong “paihi” operation. Abangan!
- Latest


















