Jillian, suki ng AI?!

May nag-call out kay Jillian Ward dahil daw sa paggamit ng AI o Artificial Intelligence sa music video ng single ng aktres na Pumapag-ibig.
Comment ng nagreklamo, “you get THEE jillian ward yet you chose to put out this all slop for the music video?”
Tanong ng isang netizen, ano raw ba ang mali sa paggamit ng AI? “Dude, embrace and adapt! We are now in the AI generation!”
Sagot ng nagreklamo, “Yes, we are all adapting to it. Pero kasi, AI consumes water everytime na may prompt tayo. They consume water for on-site server cooling. Kaya maraming nagagalit.”
Magandang marinig ang sagot at paliwanag ng GMA sa usaping ito na pinagdedebatehan online.
May pro at mas marami ang cons.
David, pinaaamin na!
Mabilis na back to reality ang mga kinilig na BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco nang magkita ang dalawa sa Sparkle Run 2026 dahil after the fun run, ang GF na si Alex Manalang ang kasama David.
Nakunan ng photo sina David at Alex sa harap ng Sobra Cafe after the fun run.
May BarDa fans na nalungkot dahil akala nila, ang pagkikita nina Barbie at David ay magiging daan for them to catch up dahil matagal silang hindi nagkita.
Sa mga nabasa naming comments sa lumabas na larawan nina David at Alex, may mga tinanggap na ang katotohanan na hanggang reel love team lang talaga sina Barbie at David. Sana lang daw, aminin na ni David ang relasyon nila ni Alex para hindi na sila umasa.
Sabi naman ng ibang fans, hindi gagawin ni David na isapubliko ang relasyon nila ni Alex dahil naniniwala itong ang makita silang magkasama ay sapat na para malaman na si Alex at hindi si Barbie ang kanyang karelasyon. Sila kasi ni Barbie ay walang interaction outside of showbiz, hindi sila lumabas kaya sana tigilan na ng ibang fans ang paniniwalang sina Barbie at David ang real thing.
Edu at gf, naglabas ng boses!
May podcast na sina Edu Manzano at GF niyang si Ann Cuisia at tinawag nilang Boses at sabi ni Edu, “Hosted by Edu Manzano and Ann Cuisia. BOSsES brings together meaningful discussions grounded in truth, fairness and public interest. Their goal is simple... to create a space where politics can be discussed with clarity, accountability and relevance to everyday Filipinos.
“BOSsES is a neutral political podcast created to help Filipinos better understand the issues, decisions and realities shaping the country today—without political colors, without party lines and without taking sides.
“Because in every democracy.. the real BOSsES is the people.
“BOSsES—Ang Bossm May Boses. Pro-people. Not pro-politician. No colors. Just truth.”
May mga nag-congratulate kina Edu at Ann, good move raw ito para magkaroon ng mas malinaw at mas maayos at makabuluhang talakayan tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bansa. Dagdag pa ng netizen, sana magpatuloy ang programa nila sa pagbibigay-linaw, paghikayat ng responsableng diskusyon.
- Latest























