^

PSN Opinyon

Kuya Vince Quejada

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Maligayang ika-31 kaarawan sa aking nag-iisang lalaki si Vince!

Anak, sa bawat taon na lumilipas, lalo kong nakikita kung ga­ano ka katatag, kabuti, at kasipag sa buhay. Hindi man laging madali ang mga laban ng buhay, ipinapakita mo pa rin ang tapang at tibay ng loob na ipinagmamalaki ko bilang magulang mo.

Salamat dahil naging mabuti kang anak at inspirasyon sa aming pamilya. Hiling ko na patuloy kang gabayan ng Diyos, bigyan ng malusog na pangangatawan, tahimik na isip, at pusong masaya. Sana lahat ng pangarap mo ay unti-unting matupad, at sa bawat hakbang mo, lagi mong maramdaman na mahal na mahal ka namin.

Hindi ka na bata, pero para sa akin, ikaw pa rin ang munting si Vince na minsang nangangarap lang ngayon, isa ka nang lalaking may sariling paninindigan at lakas.

Maligayang kaarawan, anak. Mahal na mahal ka namin.

* * * * *

‘Presyo ng Buhay’

Sa kanto pa lang, ubos na agad ang sahod, ‘Yung barya mong hawak, parang pinagtripan ng diyos.

Kape’t tinapay, dating pang-masa ngayo’y luho, Habang ‘yung nasa taas, patawa-tawa sa pwesto.

Trapik sa umaga, impyerno sa gabi,

Pagod mong inuuwi, kulang pa sa pamilya’t sarili.

Diploma sa dingding, pero minimum ang turing, Parang kasalanan pa ang mangarap sa lupang sarili mong bilin.

Anak ng kamote, ang mahal mabuhay sa bansang mahal mo. Piso mong pinaghirapan, sinusunog ng sistema.

Tax dito, tax doon, pero ospital wasak. ‘Yung mahirap lalong lunod, ‘yung mayaman lalong sarap.

OFW na naman ang bayani kasi walang mahanap dito. Mga anak lumalaki sa videocall at “ingat ka” sa eroplano. Mga magsasaka, sila nagpapakain pero gutom. Habang import ang sagot ng gobyernong puro ngumongo.

Sa jeep may matandang tulog sa pagod. Sa mall may batang nagtitinda ng sampaguita’t lungkot.

Lahat tayo tumatakbo, pero parang walang galaw, kasi kahit anong sipag mo, sistema ang humihila pababa.

Pinoy matibay? Oo, kasi walang choice.

Ngumingiti kahit durog na ang dibdib at boses. Araw-araw survival, hindi na pangarap ang laban, kundi kung paano tatawid hanggang susunod na kainan.

At kahit galit na galit ka na sa bansang ‘to, dito pa rin uuwi ang puso mong wasak at totoo. Kasi Pilipinas ‘to sugatan pero buhay, at tayong mahihirap ang dugong bumubuhay.

Disklaymer: Ito ay tinig ng pagod, galit, at katotohanang nararamdaman ng maraming ordinaryong Pilipino. Gumamit ito ng matitinding salita bilang anyo ng malayang pagpapahayag at sining ng lansangan. Wala itong layuning manira ng partikular na tao o institusyon, kundi ilahad ang bigat ng realidad na araw-araw binubuhat ng mamamayan sa gitna ng kahirapan, taas-presyo, at hirap ng buhay. Kung may kirot man sa bawat linya, iyon ay dahil may katotohanang matagal nang pilit nilulunok ng bayan.

KAARAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with