^

PSN Opinyon

‘Bawal lumipad, Boss!’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KUNG totoo ang sinasabi ng korte, malinaw ang mensahe, hindi puwedeng mag-jet set habang may tanong ang bayan.

Noong Abril 22, 2026, naglabas ang Sandiganbayan Seventh Division ng PHDO laban kay Martin ­Romualdez isang hakbang na, para sa akin, hindi basta-basta ­ginagawa kung walang sapat na dahilan. Hindi ito chismis. Hindi ito drama. Ito ay galaw ng sistema para siguraduhin na ang taong iniimbestigahan ay haharap at hindi mawawala parang bula.

Sa gitna ng usapin ng plunder at money laundering na konektado sa flood control projects mga proyektong dapat sana’y panangga ng mahihirap laban sa baha ang dating sa masa, kung may anomalya, sino ang mananagot? Kasi sa bawat pisong nawawala, may komunidad na nalulunod, may pamilyang nasisira.

Kaya nung pumasok ang Office of the Ombudsman at humiling ng hold departure, hindi na ‘yan simpleng legal move signal ‘yan na may usok, at baka may apoy. Idagdag mo pa ang posibilidad ng freeze order mula sa Anti-Money Laundering Council, lalong umiinit ang eksena.

Ngayon, sabi ng kampo ni Romualdez hindi siya tatakas, lalaban siya sa korte. Fair enough karapatan niya ‘yan. Sa totoo lang, doon natin dapat sukatin ang lakas ng depensa hindi sa press release, kundi sa ebidensya.

Pero eto ang hindi dapat kalimutan. Sa mata ng ordinaryong Pilipino, sawa na ang tao sa paulit-ulit na eksena malalaking pangalan, malalaking proyekto, tapos malalaking tanong. Kaya kapag may ganitong aksyon ang korte, hindi ito basta legal procedure. Para sa marami, ito ay pag-asa na baka, kahit papaano, may mananagot.

Hindi pa ito hatol. Pero hindi rin ito biro. At kung tala­gang walang tinatago eh di mas magandang harapin, linisin ang pangalan, at patunayan sa korte, hindi sa camera.

DISCLAIMER: Ang opinyong ito ay nakabatay sa mga lumabas na ulat at hindi dapat ituring na pinal na hatol. Si dating Speaker Martin Romualdez ay may karapatan sa presumption of innocence at due process sa ilalim ng batas.

PLUNDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with