^

PSN Opinyon

Boracay bridge project kinondena ng provincial board

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAMUTLA ang mga talampangan nitong mga Aklanon ma­tapos na lumabas ang hureng-huring na nai-award na sa San Miguel Holding Corp., ng Department of Public Works ang Highways ang kontrobersyal na pagkonstraksyon ng Boracay Bridge project. Kasi sa tingin nitong aking mga kausap, isang katerbang mga Aklanon ang mawawalan ng hanapbuhay kung matutuloy nga itong Boracay Bridge na mag-uugnay sa Isla ng Boracay at Malay Municipality. Kaya’t sama-sama ang iba’t ibang sector ng Boracay at Malay kasama ang mga Local Government Units sa pangunguna umano ng Provincial Board Members.

Ayon sa bulong-bulungan na naiparating sa’tin, nag-ugat­ umano ang pagkabahala ng mga LGUs at iba’t ibang sector matapos na mai-award na umano itong P7.78 bil­lion, 2.54-kilometer bridge project na magko-konekta sa Barangay Manoc-Manoc sa Boracay Island at sa main­land ng Caticlan, Malay. Kasi nga ayon dito sa mga tumu­tuligsa sa naturang proyekto tahasang nagkaroon ng violation of process. “The project was awarded without required consultation and local government endorsement, violating provisions of the Local Government Code”. Ayon pa sa kanila, “May Environmet Risk sa pag-construct dahil mag­kanda-sira ang Coral Reefs, Seagrass Beds, at Boracay World-Famous White Sand Beaches, reversing gains from the 2018 island rehabilitation”.

At ang higit pa rito ay itong banta sa hanapbuhay ng mga Aklanon dahil mahigit sa 3,000 pamilya na binubuo ng mga Samahan ng Bangkero “Boatmen”, Port Workers, at mga small entrepreneurs ang mawawalan ng pagkakakitaan na magreresulta ng milyon-milyong pagkalougi sa annual revenues sa Port Fees. Kaya’t ang tingin nitong aking mga kausap ng mga Aklanon, malaking datung na naman ang makukulimbat oras na tuluyan nang maisakatuparan ang konstruksyon ng kontrobersyal na tulay.

Calling DPWH Sec. Vince Hizon Sir, aba’y, bigyan nyo naman ng pagkakataon na maipaliwanag sa mga Aklanon itong pinangangambahan nilang pagkawala ng kanilang hanapbuhay at pagkasira ng kalikasan diyan sa Isal ng Boracay. Kasi nga kung patuloy na magbingi-bingihan ka at hindi pakinggan ang kanilang hinaing, hindi malayong sa kalye na sila magapahayag ng kanilang damdamin. Abangan!

AKLANON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with