^

PSN Opinyon

Mga basura sa kanto

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Nagkalat ang mga basura sa kalye. Kahit saan lugar ka madaan, bubulaga ang problemang ito na paulit-ulit na lang. Kahit may mga karatulang “bawal magtapon” at may nakaambang multa, wa epek!

Diyan lang sa may kahabaan ng Boni Serrano sa Caloocan, partikular sa kanto ng Asistio St. ay hindi nawawalan ng tambak ng basura. May umiikot namang trak para sa koleksyon, ngunit mas pinipili pa rin ng ilang residente na doon magtapon.

Kadalasan, ginagawa ito madaling araw para hindi mahalata. May nakalagay na mga CCTV, hindi naman malinaw kung ito ba ay gumagana, panakot o display lang.

Sandali lang malinis ang lugar, maya-maya ay babalik na naman ang tambak ng basura. Wala itong pinipiling oras, at tila walang pakialam ang ilan kung sila man ay masita.

At sa rami ng mga asong gala, kumakalat ang basura hanggang sa gitna ng kalsada. Bukod pa sa mga nangangalakal na “pinagpipiyestahan” ang mga plastik.

Kawawa rin ang mga taga-walis sa walang katapusang paglilinis dahil wala ring katapusan ang kalat.

Nakakadismaya ang ganitong sitwasyon. Malinaw naman na ang maling pagtatapon ng basura ay nagdudulot ng baradong kanal, pagbaha, at pagkalat ng sakit. Hindi ito simpleng isyu ng kalinisan.

Usapin ito ng disiplina at malasakit sa kapaligiran.

Kung walang pagbabago sa asal at mas mahigpit na pagpapatupad ng batas, mananatiling paulit-ulit na lang ang problemang ito.

KALYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with