^

PSN Opinyon

Mga balasubas na pulis, sibak agad! - Nartatez

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SUPER seryoso si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na linisin ang kanilang hanay ng mga balatubang pulis. Itong hakbangin ni Nartatez ay alinsunod sa kautusan ni President Bongbong Marcos na ibalik ang tiwala ng taumbayan sa PNP. Eh di Wow!

Kaya’t itong direktiba ng Pangulo ay tinrato ni PNP chief na isang operational order at bahala na kung sino ang tatamaan. Araguyyyyy! Kahit itinaas na ang kanilang suweldo, marami pa ring mga matitigas ang ulo na mga pulis na suma-sideline sa kidnapping, extortion, at kung anu-anong raket.. Dipugaaaaa! Puro sarili ang iniisip. Kelan kaya matututo ang ating kapulisan na ang kinabukasan naman ng pamilya ang bibigyan ng pansin? Ewan ko ba? Hihihi! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa datos ni Nartatez, mula Enero 1 hanggang Marso 25, umabot sa 740 pulis ang humarap sa administrative sanctions. Ang masamang balita, 232 sa kanila ang sinibak sa puwesto. Araguyyyyy! Samantala, 36 naman sa kanila ang ibinaba ng ranggo, 333 ang suspendido at ang natira ay binigyan ng parusang forfeiture of salary, reprimand, restriction, at withholding of privileges. Tsk tsk tsk!

Ipinahayag ni Nartatez na itong kasong administratibo ay patunay lamang na ang PNP ay hindi magdalawang-isip para parusahan ang mga nagkasalang pulis para protektahan ang kanilang kredibilidad.

“Hindi natin kinukunsinti ang mali. Patuloy nating pinapanagot ang mga lumalabag, anuman ang ranggo. This is how we rebuild trust—through real action, not just words,” ang paliwanag ni Nartatez. Ganun na nga! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

“Malinaw ang mensahe ng ating Pangulo—ang integridad ay hindi puwedeng pag-usapan lang, dapat isinasabuhay,’ ani PNP chief. “We take this as a continuing mandate to enforce discipline and to make sure that those who violate the law have no place in the organization,” ang dagdag pa n’ya.

Hayan mga kosa kong pulis, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi kayo sasantuhin ni Nartatez kapag luminya kayo sa kriminalidad,, na naging pangunahing dahilan para masira ang imahe ng PNP. Mismooooo!

“Our commitment is to ensure zero tolerance for any misconduct. We are strengthening our Integrity Monitoring and Enforcement Group to ensure every police officer follows the right path. To those who have lost their way, we will find you, and we will weed you out,” aniya. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang yan!

Kaakibat ni Nartatez sa pagdisiplina ng kapulisan si Internal Affairs Service Inspector General Brigido J. Dulay.  “The Internal Affairs Service fully supports the Chief PNP’s zero-tolerance policy. Our responsibility is to ensure that accountability is enforced consistently across all levels,” ani Dulay.

Sa mga dorobong pulis, ‘wag hayaan ang pamilya n’yo na magpenitensiya. Abangan!

NARTATEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with