VP Sara impeachment, kaabang-abang
Bumibida ngayon ang House of Representatives lalo na ang chairman at Batangas Rep. Gerville Luistro sa nalalapit na impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte.
Bukod kay Luistro bumibida rin ang mga kasamahan nitong sina Manila Rep. Joel Chua, Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña at iba pa nilang kasamahan na nais mapatalsik si VP Sara.
Kaya pormal nang nagpadala ng imbitasyon ang Justice committee kay VP Sara upang dumalo ito sa isasagawang pagdinig ng komite sa Marso 25.
Dito ay pag-uusapan ang rules na gagamitin sa pagpepresenta ng mga ebidensya at testigo kaugnay ng mga inihaing impeachment complaint laban kay VP Sara.
Pero, aniya choice pa rin ni VP Sara kung dadalo ito sa kanilang imbitasyon at kung ito ay magbibitiw sa puwesto ay hindi matitigil ang impeachment proceedings dahil kasama sa parusa sa impeachment case ang perpetual disqualification kaya dapat tapusin at desisyunan kung guilty o hindi.
Agad din nagbabala si Luistro sa mga kongresista na huhusgahan sila ng kanilang mga constituent na mas pipiliin na may halong pulitika ang impeachment kaysa sa ebidensiya sa kanilang magiging desisyon sa impeachment.
Kaya umaasa si Luistro na ang desisyon ng mga mambabatas sa impeachment case ay ibabase sa mga ebidensiya at hindi sa posisyon ng kanilang partido.
Kakalkalin nila ang mga ebidensiya sa impeachment upang malaman kung mayroong probable cause at dapat itong iakyat sa Senado para sa paglilitis.
Inaabangan din ng taumbayan at nagtatanong kung sakaling isalang na si VP Sara sa impeachment ay maniningil kaya ito ng utang na P8 milyon kay Luistro?
Abangan natin ito.
- Latest















