^

PSN Opinyon

EDITORYAL ‘- Makatindig-balahibo’ ang kahilingan ni Bato

Pilipino Star Ngayon

HINILING ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kay Senate President Vicente Sotto III na magamit ng kanyang pamilya ang Senate Mansion sa Baguio City sa Marso 26 hanggang 29. Ginawa ang kahilingan sa pamamagitan ng sulat at natanggap ni Sotto noong Biyernes. Ginawa ang sulat noong Marso 12, 2026.

Nakasaad sa kahilingan ni Bato na magamit niya at kanyang pamilya ang mansion sa Baguio City habang ginaganap ang Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines Cup 2026. Ang CSAFP Cup ay ­shooting competition na sasalihan ng top ­shooters mula sa AFP. Hindi pinagbigyan ang kahilingan ni Bato sapagkat may mga ginagawang repairs sa Senate mansion.

“Makatindig balahibo” ang kahilingan ni Bato sapagkat nagawa pa niyang humiling na tumira sa Senate mansion kasama ang pamilya makaraang hindi pumasok sa Senado ng limang buwan. Ang makagagawa lamang ng kahilingang ito ay ‘yung may “makapal na mukha”. Hindi na tinatablan ng hiya. Pagkaraang mag-absent ay biglang magre-request na magamit ang mansion. ‘Kakakilabot!

Mabuti naman at hindi pinagbigyan ang kahilingan ni Bato. Mababatikos ang Senado kapag pinayagan ang request.

Huling nakita sa Senado si Bato noong ­Nobyembre 11, 2025. Marami siyang hindi nadaluhang pagdinig sa Senado. Hindi siya nakalahok sa bicameral committee kung saan isa siya sa miyembro na dapat ay tumalakay sa 2026 budget. Ang nakapanlulumo pa, sa kabila nang pag-absent, patuloy pa rin ang suweldo niya.

Masarap ang kanyang buhay na kahit hindi pumasok ay sumusuweldo. Hindi naman parehas ang batas sapagkat ang mga ­empleyado o manggagawa na hindi pumapasok sa trabaho ay walang suweldo.

Ayon sa Department of Budget and ­Management (DBM), ang isang senador ay sumasahod ng mula P294,000 hanggang P380,000. Binabayaran din ang mga staff ng senador, kasama na ang iba pang gastos sa kanilang opisina. Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, hindi pa naman daw nadidismis o natatanggal si Bato kaya patuloy pa rin ang pagsuweldo nito.

Ang pag-absent ni Bato ay dahil sa lumabas na report na nag-isyu na ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya. Kabilang si Bato sa iniuugnay sa kampanya laban sa illegal drugs ng admi­nistrasyong Duterte kung saan maraming napatay. Nakakulong sa The Hague sa The Netherlands si Duterte.

Ang mamamayan ang talo sa pag-absent ni Bato. Dapat magpakita siya at suklian ng paglilingkod ang ginagawa ng mamamayan na pagpapasuweldo sa kanya. Inihalal siya ng taumbayan at nararapat tuparin ang tungkulin. Ngayon ay hihiling pa siya na magamit ang Senate mansion kasama ang pamilya. Nasaan ang hiya?

RONALD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with