Kaso vs Herbosa at DOH officials, recycled lang!
MUKHANG recycled lang itong kumakalat na kaso laban kina Health Secretary Teodoro Herbosa at ilang opisyal ng Department of Health bunga sa iregularidad umano sa mobile lab project.
Kasi nga mga kosa, sampa dito, sampa dun ng kaso ang mga detractors ni Herbosa subalit mukhang ampaw lang ang mga ito. Bakit! Wala naman kasing ipinakitang ebidensiya ang mga nag-akusa na nagtatago lang sa kung anu-anong grupo. Kung may sapat silang ebidensiya, dapat lumutang sila at pangatawanan ang reklamong itinuturo nila kay Herbosa, et al. Anong sey n’yo mga kosa? Kaya’t maliwanag pa sa sikat ng araw na itong kasong hinaharap ni Herbosa at mga kasama ay mga demolition job lang. Mismooooo. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan?
Sa lumalabas na ulat, kabilang sa kinasuhan ni Herdosa ay itong sina Usec. Glen Matthew Baggao, Brigida Romualdez-Aquino, at Allan Tope. Mabigat ang paratang laban sa kanila. Gayunman, hanggang sa ngayon ay wala pang anumang pormal na kaso na nakarehistro o iniimbestigahan kaugnay ng mga paratang na ito.
Ang nakapagtataka pa, ang mga alegasyong na inilabas ay tila kapareho rin ng mga paratang na lumutang noong nakaraang taon. Kung may bagong ebidensya, dapat malinaw itong inilalabas. Ngunit kung inuulit lamang ang parehong akusasyon, hindi maiwasang magtanong: bakit tila nire-recycle ang lumang isyu? Tsk tsk tsk!
Sa pulitika at sa burukrasya, madalas ganito nagsisimula ang isang demolition job—paulit-ulit na paratang hanggang sa magmukhang totoo sa pandinig ng publiko. Araguyyyyy!
Sa totoo lang, walang pormal na complaint na naihahain at walang notice of investigation na inilabas ang Office of the Ombudsman kaugnay ng mga alegasyong ito. Sa madaling salita, sa media pa lamang umiikot ang mga akusasyon—wala pang opisyal na proseso na sinisimulan laban kaninuman. May isa pang mahalagang detalye na tila nalilimutan sa ilang ulat: ang mismong proseso ng government procurement.
Sa ilalim ng mga batas at regulasyon sa procurement, kinakailangan ang market study at canvassing bago pa man isagawa ang public bidding. Layunin nitong matiyak na tama ang specifications, sapat ang kalidad ng produkto, at makatwirang presyo para sa gobyerno. Hindi ito anomalya. Ito mismo ang hinihingi ng batas. Dipugaaaaa!
Higit pa rito, ang mobile lab project na tinutukoy sa mga ulat ay hindi pa nga sumasailalim sa public bidding at wala pang nai-award na kontrata. Kung wala pang bidding at wala pang kontrata, paano agad masasabing may bid rigging? Mas nagiging kaduda-duda ang sitwasyon dahil ang mga paratang ay nagmumula sa mga anonymous sources. May mga nag-aakusa ngunit ayaw magpakilala at ayaw managot sa kanilang mga sinasabi. Kung seryoso ang mga alegasyon, bakit hindi iharap ang ebidensya sa tamang forum at pangalanan ang mga nagrereklamo? Sa ganitong paraan, madaling magtapon ng paratang sa publiko nang walang pananagutan.
Ang reputasyon ng mga tao at ng isang ahensya ng gobyerno ay nalalagay sa alanganin—samantalang ang mga nag-aakusa ay nananatiling nakatago. Sa huli, nananatiling bukas ang tanong: may nag-oorkestra ba ng demolition job laban sa DOH dahil sa mobile lab project? Abangan!
- Latest
















