^

PSN Opinyon

Happy ending ba ang 2025?

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Ang 2025 ay naging mabigat para sa lahat ng antas ng lipunan. Sa gitna ng ganitong strain, may isang institutional response na nararapat agad kilalanin. Ang House leader­ship—sa pamumuno nina Speaker Bodjie Dy, Majority Leader Sandro Marcos, at Committee on Appropriations Chair Mi­kaela Angela Suansing—ay nagpatunay na ang principled governance ay posible pa rin, kahit sa isang pulitikal na kapaligirang puno ng tensyon at volatility.

Sa pamamagitan ng Bicameral Conference Committee, naging mahalaga ang papel ng Kamara sa paghubog ng mas matibay at mas tumutugong 2026 national budget. Hindi ito simpleng laro ng numero, kundi isang malinaw na pahayag ng legislative discipline—balanseng fiscal restraint, malinaw ang social priorities, at may pananagutan.

Sa prosesong ito, naibalik ang public trust. Ipinakita ng Kamara na posible ang responsable at makataong pamamahala kapag malinaw ang prinsipyo at matatag ang proseso, kahit sa panahong inuuna ng pulitika ang taktika kaysa tungkulin.

Ngunit kasabay nito ang mas madilim na konteksto: sumabog sa publiko ang flood-control scandal. Ang pagkabigla ay hindi dahil bago ang alegasyon, kundi dahil sa kumpirmas­yon na ang mga proyektong panangga sana ng komunidad ay naging simbolo ng systemic failure at institutional neglect.

Bagamat si Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang nag-utos ng imbestigasyon, bumalik pa rin sa kanya ang bigat ng public perception. Nagbanta ang galit ng publiko ng political destabilization, ngunit napigil ito ng realidad—hindi rin tinanggap ng nakararami si Vice President Sara Duterte bilang malinaw na alternatibo.

Sa ganitong vacuum, malinaw ang sentimyento ng publiko: hindi na sapat ang paliwanag o scapegoats—pananagutan ang hinihingi, lalo na para sa mga “big fish.”

Dito pumapasok ang kumpiyansa kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla. Walang pag-aalinlangan sa kanyang determinasyon, at tiniyak ko ang buong suporta, kabilang ang pag­susumite ng nationwide list ng anomalous projects na na­itala ng RPMD (RPMD Foundation Inc.).

Sa Senado, nararapat ding kilalanin si Sen. Sherwin Gat­chalian sa kanyang ambag sa fiscal coherence. Habang papa­lapit ang 2026 at lalalim ang tunggalian ng mga kampo ng Marcos at Duterte, inaasahan ang pagdami ng fake news at disinformation.

Sa huli, dapat manatiling patas ang hatol ng kasaysayan—lalo na sa pagkilala sa mga social protection programs ni dating House Speaker Martin Romualdez tulad ng TUPAD, AICS, at MAIF.

BICAMERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with