Testimonyang ‘di kapani-paniwala
SI Mandy ay batang kapatid ni Sergio. May anak si Sergio, si Nina. Isang araw nakita ni Mandy si Nina papunta sa ilog na malapit sa bahay nila upang maligo. Nabighani si Mandy at sinunggaban si Nina. Puwersahang hinila ito sa highway na nakatutok ang punyal at sinakay sa truck patungo sa bayan.
Dinala si Nina sa ibang bayan kung saan sila tumira sa bahay ng kanyang kapatid na si Betty. Hindi alam ni Nina na si Betty pala ay tiyahin niya. Sinubukan niyang tumakas pero hinarang siya ni Mandy at binugbog hanggang mawalan ng malay.
Nagsususpetsa na baka magsumbong si Betty tungkol sa nangyari, sinasama ni Mandy si Nina sa kanyang pamangking si Bernie, pinsan ni Nina na hindi pa nakikita dati.
Nakumbinsi si Bernie na asawa niya si Nina. Pagkaraan ng isang linggo bandang hating gabi. Ginahasa ni Mandy si Nina. Walang magawa si Bernie noong siya ay nagising. Pagkatapos ay hinataw niya si Nina na ikinawalang malay nito sa katagalan dinala niya si Nina sa bahay ng kanyang tiyahin na si Celia.
Agad napansin ni Celia na nanghihina at maputla si Nina at binigyan niya ito ng gamot. Tapos napigilan niya si Mandy na buhusan si Nina ng kumukulong tubig. Makalipas ng apat na araw gumaling na si Nina at sinamahan siya ni Celia sa pulisya habang natutulog pa si Mandy.
Nireport nila ang kanyang dinanas at pagkatapos ma-examin ng medico-legal officer, sinakdal si Mandy na pagdukot at panggahasa.
Bilang depensa inamin ni Mandy na nagtalik sila ni Nina ngunit ito ay pinayagan ni Nina dahil magkasintahan na sila. Ikinaila rin niya na siya ay tumakas. Ngunit hindi naniwala ang korte sa kuwento ni Mandy at sinabing siya ay may-sala na may sentensiyang kamatayan.
Kinumpirma ito ng Supreme Court (SC) kahit ang katwiran ni Mandy ay magkasalungat at ‘di kapani-paniwala ang kanyang testimonya sa affidavit at sa korte.
Sabi ng SC ang mga pagkakaiba sa kanyang kwento ay ‘di nakaaapekto sa katotohanan ng kanyang testimonya dahil ang affidavit ay karaniwang ginagawa sa labas ng korte at hindi talaga magkatugma dahil walang malalim na katanungan ang mag-iimbestiga.
Malinaw naman na ang affidavit at testimonya ni Nina sa korte ay magkakatugma sa panggahasa sa kanya ng may punyal na nakatutok matapos na siya ay dinukot at binugbog, ilang beses na talagang nagbigay ng takot sa kanya at pagkaraan ay dinala siya sa isang bakanteng bahay kung saan siya’y ginahasa.
Ang pagturing ng mababang hukuman sa kredibilidad ng testimonya ni Nina ay mabibigyan ng mabigat na pagtitiwala dahil ang testimonya ay malinaw, matuwid at talagang kapani-paniwala.
Ang depensa na magkasintahan sila ay di matatanggap dahil wala namang matibay na pruweba sa kanilang pag roromansa tulad na mga larawan, kasulatan at iba pa. Bukod dito, malinaw sa karanasan ng tao na ang isang babaing probnsiya tulad ni Nina na disinwebe anyos lang ay kusang papayag na maging nobya ng tiyuhin kung mag-kasintahan sila, hindi dapat siya binugbog ni Mandy.
Ngunit kahit patunayan na puwersahang dinukot si Nina ni Mandy sa pamamagitan ng punyal, pananakot at pagdala sa kay Nina sa iba-ibang lugar hindi maaaring masabing may sala siya ng panggahasa at pagdukot dahil kasama na ang pagdukot kay Nina ng paggahasa sa kanya.
Kung may sala lang si Mandy ng panggagahasa dahil lang sa disiotso anyos si Nina at ang sakdal sa kanya ay di sinabi na magkamag-anak sila. Kaya ang sentensiya niya ay dapat reclusion perpetua lang at di kamatayan (People vs. Sabredo, G.R, 126114, May 11, 2000).
- Latest















