^

PSN Opinyon

Solusyon patungo sa flood-free Quezon City

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan, muling sinubok ang ating lungsod ng mga matitinding pag-ulan na pinalakas pa ng mga bagyo. Ito’y naging paalala sa atin na ang responsibilidad ng lokal na pamahalaan ay lalong lumalaki—lalo na sa usapin ng kaligtasan, katatagan, at kahandaan ng bawat QCitizen.

Mula Hulyo 21, 2025, tinatayang umabot sa 72,000 cubic meters ng tubig baha—katumbas ng 30 Olympic-sized swim­ming pools—ang bumalot sa ating lungsod. Halos 38,000 residente mula sa 63 barangay ang naapektuhan. Sa gitna ng hamon na ito, hindi tumigil ang Pamahalaang Lungsod sa pagpapatupad ng mga solusyon.

Isa sa mga pangunahing hakbang ay ang pagpapalakas ng Quezon City Drainage Masterplan, na layuning makamit ang adhikain nating maging flood-free city pagsapit ng 2028.

Sa ngayon, nakapag-declog na tayo ng higit 131,000 cubic meters ng drainage systems sa buong lungsod. Nakum­pleto na rin ang 172 flood mitigation projects na nagkakahalaga ng humigit P4.2 bilyon—kabilang dito ang mga detention basins, stormwater tunnels, at slope protections.

Makikita na ang positibong epekto ng mga proyektong ito. Halimbawa, may mga lugar na dati’y inabot ng apat na araw bago humupa ang baha, ngayon ay isa’t kalahating araw na lamang.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang ating trabaho. Patuloy­ nating pinag-aaralan kung bakit may mga lugar na dati’y hindi binabaha, ngunit ngayo’y nakakaranas na ng pagbaha. Ka­­ila­ngang maunawaan natin ito upang makapagbigay ng mas epektibong solusyon.

Bilang karagdagang hakbang, magtatatag ang lungsod ng Task Force upang tugunan ang mga problemang dulot ng basura—isang malaking dahilan ng pagbabara sa ating mga kanal at drainage systems. Malinaw na hindi sapat ang infrastructure projects lamang. Kailangan ding resolbahin ang ugat ng problema.

Kasabay nito, paiigtingin natin ang pagpapatupad ng mga city ordinances kaugnay ng solid waste management. Nakita rin natin ang epekto ng iresponsableng pagtatapon ng construction debris sa ating mga daluyan ng tubig. Mananagot ang mga establishment, contractor, at indibidwal na lalabag sa mga batas ng lungsod ukol sa tamang pagtatapon ng anumang uri ng basura.

Base sa aking pagsisiyasat, napagtanto ng pamahalaang lungsod ang kakulangan sa pagsunod ng proper waste segregation ng ilang junk shop. Magpapatupad tayo ng ordinansa para ma-accredit at i-regulate ang mga ito. Nais rin natin tugunan ang mga pangangailangan at itaas ang antas ng resource collectors mula sa iba pang bahagi ng lungsod.

Tulad ng ating programa para sa resource collectors ng Barangay Payatas, sasailalim rin sa profiling at TESDA training ang mga “palero” mula sa mga barangay na nasasakupan ng G. Araneta Avenue.

Tuturuan sila ng proper solid waste management, national at local environmental regulations, wasto at ligtas na paggamit ng equipment, at waste segregation.

Kasama sa pagresolba ng problema sa baha ay ang pagpapaigting ng wastong pagtatapon ng basura sa mga palengke, na mahigpit na ipapatupad ng lokal na pamahalaan. Dapat magtalaga ng waste disposal area ang lahat ng palengke upang mahiwalay ang nabubulok at hindi nabubulok na basura.

Gumagamit tayo ng rapid composter upang mapakinabangan ang organic waste sa mga public market, at hinihikayat natin ang mga private market na magkaroon ng sariling composting equipment bilang suporta sa inisyatibong ito.

Handa naman ang Sangguniang Panlungsod na sumuporta sa pamamagitan ng mga ordinansa na tumutugon sa ating pangangailangan. Kailangan natin ng mas komprehensibong mga polisiya upang magkaroon tayo ng maayos at sustinableng sistema sa pamamahala ng basura.

Ang pagiging flood-free ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan—ito ay responsibilidad ng bawat isa. Mula sa mga opisyal, hanggang sa bawat residente ng Quezon City.

Kaugnay nito, patuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang tugunan ang mga obstruction sa ating mga waterways.

Maraming proyektong nangangailangan ng national support, at mahalaga ang kanilang partisipasyon upang maging ganap na matagumpay ang ating mga programa.

Bilang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila, natural na mas malaki ang ating responsibilidad. Ngunit mas malaki rin ang ating kapasidad—at determinasyon—na gumawa ng pagbabago.

Ang pagkakaisa ng bawat ahensya, barangay, at mamamayan ay susi sa tagumpay. Sa tulong ng tunay na bayanihan, makakamit natin ang ating pangarap—isang mas ligtas, mas matatag, at flood-free na Quezon City.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with