^

PSN Opinyon

May gugulong na ulo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

GINAWA ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 28. Binatikos niya ang mga opisyal at kontratista na nakinabang mula sa iba’t ibang mga proyekto sa pagkontrol sa baha na nabigong pigilan ang malawakang pagbaha sa kabila ng sunud-sunod na bagyo at sama ng panahon sa nakaraang dalawang linggo.

Sa kanyang paglilibot sa mga lugar na binaha ng Metro Manila, nadiskubre niya na ilang proyekto na bayad na umano ng gobyerno ay hindi naman ginawa. Nangako siyang kaka­suhan ang mga kontratista at opisyal ng gobyerno na sang­kot sa katiwalian. Tumanggap ng standing ovation ang kan­yang sinabing, “Mahiya naman kayo,” patama sa mga sangkot sa katiwalian.   

Sa natitirang tatlong taon ng kanyang administrasyon, sana nga, makasuhan ang mga sangkot sa korapsyon. Ba­gama’t hindi ako nagpipigil ng hininga dahil lahat ng SONA ay may mga bersyon ng pagbabanta at pangako laban sa katiwalian at krimen, umaasa naman ako. Natatandaan ko ang kanyang sinabi sa kanyang unang SONA, na husgahan siya sa kanyang mga aksyon at hindi sa kanyang mga ninuno.

 Pasok naman sina Senador Tito Sotto at Ping Lacson. Sa simula pa lang, parehong nanawagan ng pagsisiyasat sa mga “iskandalosong” pagsingit sa budget ng gobyerno, gayundin ang halos P2 trilyon na inilaan sa nakalipas na 15 taon para sa mga proyekto kontra baha na hindi maganda ang resulta. Napakalaking pork barrel umano ang mga sini­ngit sa budget. Inilarawan pa ni Sotto na binawasan ang budget ng DepEd at DOH para magawa ang pagsingit.

 Dagdag pa ni Sotto ang mga isiningit na budget ay mapupunta sa flood control at infrastructure projects sa Sorsogon, Bulacan, at Davao, na mga balwarte nina Senador Escudero (Sorsogon), Villanueva (Bulacan), at Go, Dela Rosa (Davao). Kayo na ang humusga. 

Kinuwestiyon ni Lacson ang napakalaking halaga ng pondo na napunta sa flood control sa nakalipas na 15 taon. Ang budget ng DPWH ay P11 bilyon lamang sa ilalim ng administrasyong Aquino noong 2011. Tumaas ito sa mahigit P100 bilyon noong 2018 sa ilalim ni Duterte; P280 bilyon noong 2023, P349 bilyon noong 2024, at P346 bilyon ngayong 2025, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Kaya tama ang sinabi ni Marcos Jr., “Mahiya naman kayo,” dahil napakalaki ng alokasyon ng badyet sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Nagsalita si Lacson na may mga kontratistang nagiging congressman at mga congressman nagiging kontratista para sila-sila na lang ang nag-uusap. Kaya tingnan natin kung talagang may gugulong na ulo sa ilalim ng bagong Kongreso. 

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with