^

PSN Opinyon

Dapat bang ibalik ang bitay?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Kung sariling emosyon ko ang iiral dapat lang bitayin ang mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen. Tulad na lang nang nangyaring pagpatay sa Pinoy-Chinese businessman na si Anson Que na matapos kidnapin at magbayad nang malaking ransom ang pamilya, pinatay pa rin. Nakakakulo ng dugo!

Kaya gusto ng Chinese community na ibalik ang parusang bitay sa mga kaso ng kidnap for ransom. ­Siyempre komo kabaro nila ang biktimang si Que, natural na tangayin sila ng emosyon. Kahit sino naman marahil ay magngingitngit sa nangyari.

Para sa akin, lahat ng buktot na krimen gaya ng rape, brutal na pagpatay, droga at maging ang pandurugas sa kaban ng bayan ng mga public officials ay nararapat patawan ng parusang kamatayan.

Ngunit kung iisipin na maraming sentensiyado sa krimen ang napapakulong nang walang kasalanan, parang wala pa sa panahon na ibalik ang capital punishment na kamatayan.

Si dating Senador Leila de Lima ay klasikong ehemplo ng isang nagdusa sa kulungan ng halos pitong taon dahil sa mga gawa-gawang akusasyon na siya ay dawit sa droga. Pinulitika siya ni ex-president Duterte na ngayo’y nasa The Hague sa akusasyong crimes against humanity.

Hangga’t may depekto ang justice system at ito’y magagamit sa pulitika, nakatatakot magpataw ng bitay. Baka pati ang mga na-setup lang ay mapatay habang nakalalaya ang tunay na maysala.

Kung gusto nating ibalik ang death penalty, ayusin muna ang sistema ng katarungan.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->