Hardinero ng Carmona…
ULY GARDEN SA BUBUNGAN
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa pang garden sa bubungan o yero ng kanilang tahanan.
Ang aking tinutukoy ay ang garden ni Ulysis “Uly” Pastor na makikita sa Block 15 Lot 24, Hawaii St., Phase 6, Carmona Estate, Camona Cavite.
Si Uly ay nagsimulang magtanim noong nakalipas na taon makaraang magkasakit ang kanyang mahal na misis at kailangang lumakas ang resistensiya ng katawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga green na gulay.
“Mahigit isang taon na akong nagtatanim ngayon, matapos kaming sabihan ng doktor ni misis na panay gulay ang ipakain sa kanya para lumakas ang resistensiya ng kanyang katawan,” ani Uly.
Iniwan ni Uly ang pag-aalaga ng rabbit sa halip ay ang pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman ang inatupag lalo ang mga variety ng lettuce.
Nagsimula si Uly na magtanim sa mga bote ng softdrinks, sa tuna box at ngayon ay may NFT method na rin siya.
Naging maganda ang resulta sa misis ni Uly ng pagkain ng gulay, na sarili nilang tanim kaya lalong siyang na-inspire na magtanim sa bubungan ng kanilang bahay.
“Sa tulong at gabay ng Panginoon ay bumuti na ang pakiramdam ni misis at lumakas siya ng husto dahil sa sustansiya na kanyang nakukuha sa pagkain ng mga gulay na fresh na fresh at nawa ay tuluyan na siyang gumaling,” pahayag pa ni Uly.
Ngayon, bukod sa kanilang personal na comsumption ay marami na rin ang bumibili ng produce na lettuce at iba pang gulay ni Uly.
“Exercise ko na rin ang pagtatanim dahil akyat-panaog ako sa baba hanggang sa bubungan ng aming bahay,” ani Uly.
Maging si Uly ay gumanda ang pangangatawan.
Mula sa dating chubby, ngayon physically fit na siya at ganadong magtrabaho bilang IT o Information Technology.
Negosyo na rin ngayon ni Uly ang pagtatanim ng halaman dahil maraming bumibuli ng kanilang ani.
Marami na ring natuturuan si Uly sa kanilang village na magtanim ng gulay kahit sa mga scrap material lamang.
“Ang pinakamasaya pa sa aking ginagawang pagtatanim ay kasama ko ang aking misis at nag-iisang anak na ngayon ay nasa kolehiyo na.”
Sa mga residente ng Carmona Estate Subdivision na nagnanais bumilii at gustong matuto ng pagtatanim tulad ng ginagawa ni Uly, i-text lamang po ninyo siya sa 09479161665. Magpakilala po muna kayo at sabihin ang sadya ninyo.
Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo ang kolum ng Magsasakang Reporter tungkol sa kanyang magandang journey sa garden na nasa bubungan.
Bukas, February 23, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Uly sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest
















