6 na bagyo sa isang buwan

Ang bagyong Pepito ay nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ngunit nagdulot nang malawak na pinsala sa malaking bahagi ng Catanduanes at Central Luzon. Na­kamit nito ang Category 5 Super typhoon na klasipikas­yon bago rumagasa sa bansa.

Pinakagrabeng tinamaan ang Catanduanes dahil nasa buong lakas pa ang bagyo. Karaniwang humihina ang mga bagyo pagkatapos mag-landfall, salamat sa malalaking bulubundukin. Ang Vietnam at China ay nagpapasalamat sa mga likas na hadlang na ito.

Si Pepito ang ikaanim na bagyong tumama sa bansa sa loob ng isang buwan. Nagdala ito ng malakas na hangin habang delubyo naman ang dala ng nakaraang Supertyphoon Kristine.

Hindi pangkaraniwan ang sunud-sunod na bagyo, ngunit hindi bihira. Salamat naman at walang mga bagyong namumuo sa Pacific Ocean sa mga oras na ito.

Umakyat na sa walo ang bilang ng mga namatay—isa sa Camarines Norte, at pito sa landslide sa Nueva Vizcaya. Tatlo rin ang nasugatan.

Magpasalamat tayo sa Diyos na hindi mas mataas ang bilang ng mga namatay sa bagyo. Gayunpaman, laganap at malawak ang pagkasira na dulot ni Pepito. Ang mga bahay na ginawa gamit ang magaan na materyales ay nata­ngay ng hangin. Natumba ang mga puno at poste ng kur­yente na parang mga toothpick.

Maaaring matatagalan pa bago maibalik ang kuryente sa Catanduanes. Panahon na siguro para maglagay ng mga linya ng kuryente sa ilalim ng lupa kung saan hindi ito ma­a­apektuhan ng mga bagyo, lalo na sa mga lugar na ma­dalas tamaan.

Patuloy ang pagkalap at pagdala ng ayuda sa mga apek­tado. Hindi ako magtataka kung ang calamity funds ay ma­a­aring ubos na pagkatapos ng lahat ng bagyong dumaan.

Ang U.S. nangako ng isang $1-milyon at higit sa lahat, ipi­nagamit ang mga kagamitan nito para maghatid ng tone-toneladang relief items sa mga biktima. Ang kanilang mga helicopter, barko, at mga sasakyang pang-inhinyero ay makatutulong nang malaki sa pagsisikap na ito.

Palagi kong binabanggit na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa tatlong heavy-lift helicopter upang tumulong sa mga sitwasyon ng kalamidad, isa para sa bawat pangunahing isla.

Ang mga kagamitang pang-inhinyero tulad ng mga bulldozer at crane ay mabilis na madadala ng mga helicopter kung saan kinakailangan ang mga ito, tulad ng paglilinis ng mga runway, tulay, ilog, at mga debris kapag ang mga kalsada ay hindi na madaanan. Nagiging mahalaga din ang mga ito kung saan walang mga kalsada.

Kilala ang bansa sa pagiging matatag sa panahon ng mga kalamidad. Ngunit marami pa rin ang magagawa para mapabuti nang husto. Ang pamahalaan ay dapat maglaaan ng mga pondo para sa pagpapabuti ng pagtugon sa sakuna, hindi para sa intelligence at mga confidential na pondo, na kahit papaano ay nahihirapan ang mga opisyal na ipaliwanag kung paano ginamit ang mga ito.

Show comments