^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Harapin ni Digong ang pagdinig

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Harapin ni Digong ang pagdinig

HINDI dadalo si dating President Rodrigo Duterte sa pagdinig ng House quad committee ngayong araw na ito kaugnay sa extra judicial killings (EJKs) na naganap sa ilalim ng kanyang war on drug campaign. Taliwas ito sa unang sinabi ni Duterte noon na dadalo siya sa isasagawang pagdinig kapag siya’y inim­bita. Sabi pa niya, basta maayos ang pagtatanong sa kanya, dadalo siya. Hindi naman sinabi ang dahilan kung bakit hindi dadalo ang dating Presidente sa pag­dinig ngayon.

Ayon sa quad committee, pinadalhan nila ng imbi­tasyon ang dating Presidente sa public hearing upang mailahad nito ang panig ukol sa extra judicial killings sa kanyang war on drugs. Para rin umano mabigyan ng liwanag ang mga inaakusa sa kanya.

Kung hindi dadalo si Duterte ngayong araw na ito, malabo nang mabigyang linaw ang mga isiniwalat ni dating police colonel at PCSO general manager Royina Garma na si Duterte ang nasa likod ng EJKs at ito rin ang nag-utos na pagkalooban ng pabuya ang mga pulis na umaabot sa P20,000 hanggang P1-milyon.

Ayon pa kay Garma, ipinatawag siya ni Duterte sa bahay nito at nagpahanap ng taong gagawa ng kanyang mga plano na pattern sa “Davao model’’. Isang upperclassman ni Garma sa PNPA ang kanyang ki­nuha at ginawa naman nito ang mga utos ni Duterte.

Si Duterte rin umano ang nasa likod ng pagpatay sa tatlong Chinese drug lord habang nasa loob ng Davao Penal Colony. Marami pang sinabi si Garma ukol kay Duterte at sa war on drugs nito. Sabi ni Garma, ginawa niya ang pagtatapat para malaman at manaig ang katotohanan. Sabi ng mga mambabatas, marami pa umanong ipagtatapat si Garma ukol sa war on drugs ng Duterte administration.

Kung patuloy na tatanggihan ni Duterte ang imbitasyon ng quad committee, patuloy din naman ang pagsisiwalat sa kanya ng dating tauhan. Kailangang maipagtanggol niya ang sarili. Paano niya masasagot o masasalag ang mga sinasabi ni Garma kung hindi siya dadalo sa pagdinig.

Sa mga nakaraang panahon, may mga presidente na ring inimbitahan sa pagdinig ng Senado at House of Representatives at kabilang dito sina dating President Fidel V. Ramos at President Noynoy Aquino.

Inimbitahan si Ramos kaugnay sa inquiry ng inde­pendent power producers para malutas ang problema sa malawakang brown out.

Inimbitahan naman si Aquino dahil sa kontrober­siya ng dengvaxia kung saan maraming bata ang naba­kunahan na hindi dapat ginawa.

Ano ang dahilan at ayaw ni Duterte na dumalo sa hearing? Habang tumatanggi siya, maraming aku­sasyon na ibinabato sa kanya. Dapat harapin niya ang pagdinig.

JUDICIAL

KILLINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with