^

PSN Opinyon

Ang ‘nalantang’ love team

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DATI, marami sa energy sector ang naghihinala na may alyansa ang suspendidong Energy Regulatory Commission chief Mona Dimalanta at ang negosyante sa sektor ng enerhiya na si Sabin Aboitiz. Ang puntirya: agawin ang Meralco.

Sabi nga ng iba, parang pader ang tibay ng kanilang “love team”. Hindi nila alam, matagal nang may lamat ang love­team hanggang humantong sa pagsuspinde ng Ombudsman kay Dimalanta. Ang rason, pinaboran ng ERC chairperson ang Meralco. Nauna ko nang natalakay na naiirita na si Dimalanta sa madalas na paghingi ng pabor ng dati niyang boss na si Aboitiz para sa kanyang mga kompanya.

Sa simula, hindi raw matanggihan ni Dimalanta si Aboitiz dahil sa utang na loob dito. Pero napuno na raw si Dimalanta at dumistansiya sa dating amo. Bago pa bumaba ang desis­yon ng Ombudsman, kalat na ang tsismis sa Palasyo na sisi­bakin si Dimalanta. Best friend daw ni Aboitiz ang kumilos para mawala si Dimalanta. Kasi raw, gigil din ito dahil sa tila pagpabor ni Dimalanta sa Meralco, na matagal na nilang inaambisyong makuha. 

Kahit matapos ang anim na buwang suspensiyon ni Dima­lanta, wala na siyang babalikan na posisyon. May nakita na raw bagong ka-“love team” ang kanyang dating boss at BFF nito. Bata umano ito ng isa sa mataas na opisyal ng gobyerno.

Dahil dito, mukhang matutuloy na ang plano ni Aboitiz at best friend na i-takeover ang prangkisang hawak ng Me­ralco­. Inapela ni Dimalanta ang suspension, pero mukhang hopeless case scenario na ito. Anyway, marami nang time si Dimalanta na magbiyahe with family and friends! 

Bon voyage, Mona!

LOVE

MERALCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->