^

PSN Opinyon

Rep. Dalipe, nais i-terminate ang kontrata ng Zamcelco!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NABABAHALA ang mga residente ng Zamboanga City dito sa plano ni Rep. Mannix Dalipe na kitlin na ang ­serbisyo ng Zamboanga City Electric Cooperative (Zamcelco) sa siyudad.

Ang nais kasi ni Dalipe ay taga-Zamboanga ang magpapatakbo ng Zamcelco kaya balak niyang maghain ng resolution sa Kongreso para alisin na sa Crown Investment Holdings Inc. ang pamamalakad nito. Dipugaaaaa!

Kaya kung anu-ano na ang ikinakalat sa social media ng mga detractors ng Crown, kasama na rito ang utang na P4.6 bilyon, para lang siraan ang kompanya. Araguyyy!

Gusto yata ni Dalipe na sila na ang magpapatakbo ng Zamcelco, na nag-iisang power provider ng siyudad? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba Rep. Dalipe Sir?

Ang problema lang mukhang maganda naman ang takbo ng elektrisidad sa Zamboanga City kaya patok sa mga residente ang tandem ng Zamcelco at Crown. Get’s n’yo mga kosa?

Puwede namang agawin ang pamamalakad ng Zamcelco kung hindi nito natugunan ang supply ng elektrisidad sa siyudad at maraming reklamo ang mga residente tungkol sa masamang serbisyo nito. Mismooo!

Kapag nagtagumpay si Dalipe, hindi magandang halimbawa ang ipinapakita nito sa madlang people dahl wala nang investor na papasok sa lugar dahil kinalaunan aagawin lang ng lokal na negosyante. Tsk-tsk-tsk! ‘Ika nga, maaapektuhan din ang ekonomiya ng siyudad. Eh di wow!

Kaya lang, open secret naman ‘yan na sobrang dikit si Dalipe kay House Speaker Martin Romualdez kaya hindi magtataka ang mga kosa ko kung magkabrasuhan sa kasong ito. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ng mga kosa ko na itong magandang pagpatakbo ng elektrisidad sa Zamboanga ang primary reason kung bakit nagkainteres ang pamilya ng pulitiko na agawin ito. Sa ngayon, ang reaksiyon ng taga-probinsiya ay sa halip na hikayatin ang investors para maglagak ng kapital sa kanilang lugar, abayyy parang itinataboy na nila ang mga ito. Anyare? Sanamagan!

Patuloy sa ngayon ang pagkalat ng Marites sa lugar tungkol sa planong paghain ng resolution para sa nakaambang termination ng kontrata sa pagitan ng Zamcelco at Crown. Sino ang makikinabang? ‘Yan po ang tanong ng mga Zamboangueño. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang Zamcelco ay pinatatakbo ng Crown noong pang 2018 at ang hakbang ni Dalipe ay mukhang “out of nowhere.” “He should further be reminded that Section 10 of Republic Act 10531 provides that “the management, operations, and strategic planning of electric cooperatives, shall, as much as practicable, be insulated from local politics,” komento ni Atty. Estrella Elamparo, legal counsel ng Zamcelco Board of Directors.

Nilinaw din ni Elamparo na tanging ang  board of directors ng Zamcelco ang maaaring kumilos kung itutuloy o wakasan ang kontrata at ang hukuman lamang ang maaaring at nararapat na magpasya na bawiin ang isang kontrata. Dipugaaa! Puwede pa kayang makuha ito sa maBOTEng usapan?

Iginiit naman ni Dalipe na kayang patakbuhin ng lokal na investors ang Zamcelco. “I would like that this Zamcelco will be run by Zamboage?os like in the early years. We don’t have to import talents from outside. We have excellent lawyers, accountants, engineers, managers etc. We can handle Zamcelco. We can do it,” ayon kay Dalipe. Abangan!

ELECTRIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->