^

PSN Opinyon

Mistulang salaan

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SI Shiela Guo, ang kapatid ni Alice Guo, ay nagpahayag sa Senado na siya, si Alice, at ang kapatid na si Wesley Guo ay sinundo ng isang van na bumiyahe ng ilang oras patu­ngo sa hindi kilalang lokasyon kung saan sila sumakay sa isang maliit na bangka nang ilang oras. Lumipat sila sa isang malaking bangkang pangisda at kalaunan sa isa pang barko na nagdala sa kanila sa Malaysia.

Hindi niya alam ang daungan kung saan sila sumakay sa maliit na bangka na sa tingin ko ay hindi kapani-paniwala­. Sa ngayon, iyon ang salaysay na ibinigay niya. Ang kan­yang­ abogado ay humiling naman ng isang executive session upang magbahagi ng higit pang mga detalye kung paano sila naka­takas sa bansa.  

Si Cassandra Ong naman ay nagpahayag sa Kongreso na hindi niya ka-negosyo o kaibigan si Alice Guo, at nakilala lang niya dahil kay Wesley Guo, kapatid ni Alice na kasin­tahan niya umano. Inaming nagtrabaho siya sa Whirlwind Corporation na nagpaupa sa Lucky South 99 na na-raid dahil iligal na POGO. Itinangging may kinalaman o nag­trabaho sa Pogo.

Tumanggi naman na dumalo sa pagdinig ng Senado na nagsusumamo sa kanyang karapatan laban sa self-incrimination. Sa ngayon, hahayaan natin ang anumang batas na naaangkop para makapagsalita siya. Si Shiela Guo at Cassandra Ong lang ang nahuli ng mga awtoridad sa Indonesia. Nakalusot naman ang magkapatid na Alice at Wesley Guo.

Ang malinaw ay mistulang salaan lang ang ating teri­toryo partikular ang mga daungan. Maliwanag din na sila ay tinulungan upang makasakay sa maliit na bangka at ka­la­­­unan­ ay tumulak sa Malaysia. Napakadali lang sigurong suhu­lan ang sinumang nakatalaga sa daungan kung saan sila nakasakay­ sa maliit na bangka.

Sinabi ni Shiela Guo na dumating sila sa hindi kilalang daungan bandang hatinggabi. Dapat doon pa lang ay tina­nong na sila ng mga nakatalaga sa daungan kung saan pupunta. Ito rin ay nagpapakita kung paano hindi masakop ng Coast Guard ang napakalawak na karagatan natin. Ang isang maliit na bangka na naglalakbay sa gabi ay dapat nagtaas ng hinala kung sila ay natuklasan. Maliban na lang kung nagawa nilang suhulan ang lahat.

Kailangan ko ring itanong kung paano naproseso ng mga awtoridad ng Malaysia ang kanilang pagdating? Sigurado akong kailangang nila ng mga dokumento na opisyal silang umalis ng Pilipinas. Sinabi niya na dumating sila sa Malaysia at lumipad sa Singapore.

Mula roon ay sumakay sila ng ferry papuntang Indonesia kung saan nahuli sina Sheila Guo at Cassandra Ong. Sana ang executive session na hiniling ni Sheila Guo ay magbibigay ng ilang mga sagot na dapat humantong sa mga solusyon tungkol sa maayos na pagbantay sa ating teritoryo. Gusto kong makita ang mga pangalan ng mga tao o opisyal na tumulong sa kanilang pagtakas. Ika nga ni President Bongbong Marcos Jr., “heads will roll.”

Naniniwala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na si Alice Guo ang pangunahing tauhan sa karumal-dumal na pangyayari na ito ay nasa Indonesia pa rin habang ang kanyang kapatid na si Wesley ay maaaring sinubukang pumasok sa Hong Kong.

Bagama’t hindi pa sila opisyal na sinampahan ng kaso, inihahanda na ang mga kaso kasama ang ga-bundok na ebidensiya na natuklasan ng Senado. Habang lumiliit ang kanilang mundo, dapat magkaroon ng pagkakataon ang mga awtoridad na hulihin sila upang harapin ang musika.

ALICE GUO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->