Gen. Torre, inulan ng kantiyaw at panlalait ng KOJC members!
SAMU’T SARING kantiyaw at panlalait ang ibinabato ng supporters ni Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy kay PRO11 Director Brig. Gen. Nicolas Torre III na patuloy na nagsi-serve ng warrant of arrest sa compound ng una sa Davao City. May tumatawag kay Torre na “demonyo”, “yawa”, “walang puso”, “sinungaling” at kung anu-ano pa. Kaya lang, hindi sila pinapansin ni Torre. Kool lang si Sir! Mismooo!
Ang paglusob ng aabot sa 2,000 kapulisan sa compound ni Quiboloy ay mahigpit na kinondena nina Tatay Digong at VP Sara Duterte na “overkill”. Nagdrama pa si Sara sabay pag-sorry sa mga miyembro ng KOJC dahil sa paghikayat niya sa mga ito na iboto si Bongbong Marcos noong 2022 elections. Araguyyy!
Si Sen. Bato dela Rosa naman ay nagpaplanong magsagawa ng Senate hearing gamit ang kinamuhiang “in aid of legislation.” Tsk tsk tsk! Gagastusin na naman ang buwis ng mga Pinoy sa walang katuturang bagay. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Mataas ang tension sa ngayon sa compound ni Quiboloy dahil sa sandamakmak na pulis at libu-libong supporters ng pastor. Puro panlalait ang inabot ng mga pulis na hindi naman tumitinag kahit personalan na ang ibinabato sa kanila ng mga taga-KOJC. Siyempre, may nasugatan na sa magkabilang kampo at nag-uunahan sila sa media mileage na magsasampa ng kaso sa husgado. Eh di wow!
Pero malakas naman ang paniniwala ng mga kosa ko na hindi sisiklab ang gulo sa KOJC compound dahil ang magkabilang grupo ay malayang nagbi-video ng kilos ng bawa’t isa. Mismooo! Hindi naman maikaila na nagbabatuhan ng akusasyon ang magkabilang kampo at kayo na ang bahala mga kosa kung sino ang paniniwalaan n’yo sa kanila. Ano pa nga ba? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ayon kay Torre, hindi sila aalis sa compound at mananatili sila roon kahit ilang araw para lang magsilbi ng warrant of arrest kay Quiboloy. Hindi natitinag si Torre sa pakiusap ng supporters ni Pastor na lumisan na sila dahil wala doon ang Poon nila. Malakas ang paniwala ni Torre na andun lang si Quiboloy sa bunkers, lalo na’t nakatanggap siya ng human intelligence na sighted si Pastor doon nitong nakaraang mga araw.
Armado rin si Torre ng “inside info” ng kinaroroonan ni Quiboloy kaya lang hindi nila mahagip ang huli dahil palipat-lipat ito ng puwesto. Malaking bagay talaga ang P10 milyon reward na ini-offer sa sinumang makapagturo sa kinaroroonan ni Quiboloy at mukhang marami ang nagkainteres dito. May naghu-Hudas din kay Quiboloy sa mga disipulo niya? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!
Sa ngayon, gumagamit si Torre ng ground penetrating radars para matunton ang kinaroroonan ni Quiboloy. Ang GPR mga kosa ay ginagamit tuwing may sakuna, lalo na kapag bumagsak ang building, dahil ma-trace nito ang puwesto ng tao dahil sa pintig ng kanyang puso. Epektib ito kung sa bunkers nagtatago si Quiboloy. Parang si Saddam lang ‘no?
Ang problema lang, maraming bunkers sa 30-hectares na compound ni Quiboloy at baka buwan ang bibilangin bago makita ang pakay ni Torre. Nai-scan na ni Torre ang mga structures at lay-out ng buildings sa compound. Kaya lang kahit anino ni Quiboloy ay wala pa. Eh di wow! Abangan!
- Latest