^

PSN Opinyon

Bakit ililipat?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Mukhang hindi nagkakasundo ang ilang ahensiya ng gob­yerno hinggil sa “tulog” na P90 bilyon ng PhilHealth. Ang nais ng Department of Finance ay ibalik ang hindi gamit na pondo sa kaban ng gobyerno para magamit sa mga proyekto. Baka sa Maharlika Fund pa nga. Ayon kay PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr., baka puwedeng bawasan ang ibi­nabayad ng PhilHealth members. Ibibigay daw kaagad kay Pres. Bongbong Marcos Jr. ang rekomendasyon.

Pero umalma si Health Sec. Ted Herbosa. Wala raw batas na nagsasabi kung paano magagawa ang pagbawas ng ibi­nabayad sa PhilHealth. Kailan nga lang ay itinaas ng PhilHealth ang kontribusyon ng mga miyembro mula 4 percent-5 percent. Si Herbosa pa nga ang umalma sa pagtaas ng kontribusyon noon. Ilang senador din ang umalma sa paglipat ng pondo.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang pangulo pa mismo ng PhilHealth ang handang ipamigay ang naipon na pondo sa ibang proyekto ng gobyerno, kung hindi naman napakaganda ng estado ng kalusugan ng bansa. Ma­ra­ming magagawa ang P90 bilyon. Maraming miyembro ang makikinabang kung sa kanila gagamitin ang pera. Maganda at itinaas na ng PhilHealth ang natatanggap ng mga pas­yenteng sumasailalim sa dialysis. Malaking tulong iyan. Pero maraming may sakit na puwedeng makinabang din sa pondo.

Mga may cancer na kailangan ng chemotherapy. Mga may diabetes na kailangan ng insulin. Mga may sakit sa puso, iba kailangan pa ng operasyon. Marami pang maba­banggit na kondisyon kung saan puwedeng itaas ng PhilHealth ang tulong. Tandaan na ang mandato ng PhilHealth ay mag­bigay ng universal health coverage para sa lahat ng Pilipino. Sa tingin n’yo naipatutupad na iyan sa lahat ng Pilipino?

Maaaring tulungan ng PhilHealth ang mga ospital ng gobyerno na nangangailangan ng kagamitan. Napaka­rami niyan. Sa madaling salita, kung may P90 bilyon pala ang PhilHealth na “tulog”, gamitin para sa benepisyong kalusugan. Huwag ilipat kung saan-saan. Hindi ba’t may pondo sa budget na ang gobyerno para sa mga proyekto nito? Bakit sa PhilHealth kukunin? At kung may ganyang pondong “tulog” ang PhilHealth, hindi na dapat nahuhuli sa pagbayad sa mga ospital, doktor, dialysis center, at kung saan pa, hindi ba?

PHILHEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->