^

PSN Opinyon

Walang hanggang pasasalamat

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko mawari gaano ako ka blessed ng Diyos at walang pagsisidlan ang aking walang hangggang pasasalamat at ako’y nabubuhay pa mula sa napakaraming pagsubok sa buhay.

Nandun na ‘yong dumaan na ako sa 35 rounds ng radiation para sa aking endometrial cancer.

Nandun din yung aking total abdominal hysterectomy, dumaan din ako sa severe COVID pneumonia, at tinamaan din ako ng surgery sa aking almoranas at nang dumating ang heart attack ko noong Pebrero 1 at nanatili ako sa Davao Doctors Hospital ng may isang buwan.  Nahirapan ako sa heart attack at ngayon ay nasa recovery at rehabilitation period. 

Hanggang sa humantong sa chronic kidney disease ang aking sakit na kaya nagda-dialysis na ako ngayon. 

Mahirap man ang pinagdaanan ko ngunit hindi pa rin ako nauubusan ng rason na magpasalamat sa Poong Maykapal.

At sa lahat nang tumulong sa akin, maraming-maraming salamat sa inyo. Diyos na ang bahalang magbayad sa inyo.

vuukle comment

COVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with