^

PSN Opinyon

‘Di magpapaapi

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGITING ang binigkas na talumpati ni Presidente Bongbong Marcos sa pagdiriwang kamakalawa ng Araw ng Kagitingan. 

“Hindi tayo magpapaapi” na ang pinatutungkulan ay klarong ang China na walang habas na nang-aabuso sa sarili nating teritoryo sa West Phl Sea. Wala man siyang binanggit na pangalan ng bansa, malinaw na ang tinutukoy niya ay ang China at wala nang iba.

Baka tuligsain na naman si Marcos ng mga Pilipinong kasabwat ng China at sasabihing nanghihikayat na naman ang Pangulo ng digmaan. Ano mang tuligsa ang ingakngak nila, buong-buo kong kinakatigan ang pahayag ni Marcos. Buo rin ang paniniwala ko na sila ang mga traydor na nag­kakanulo sa sariling mga kababayan.

Mas marangal at tumpak iyan kaysa sinabi ni Duterte nang siya ay Pangulo pa na “I love Xi Jinping” at “hindi natin kaaway ang China.” Malaking kabalbalan na sasabihin ‘yan ng isang Pangulo habang patuloy na nanliligalig sa ating teritoryo ang mga Tsekwa.

Oo nga’t maraming Pilipino ang may dugong Tsino, kasama­ na ako riyan. Pero Pilipino pa rin tayo sa kabila niyan at dapat mahalin at idepensa ang ating Inambayan.

Hindi man natin kaya ang bansang ito, may mga nagmamalasakit na bansang nakalaang tumulong sa atin sa pagdepensa sa ating soberenya.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with