^

PSN Opinyon

China duwag din pala

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG kaya lang palang duruin at i-bully ng China ay ang mga Pilipinong mangisda at maging ang ating mga nagpapatrul­yang awtoridad sa West Philippine Sea na walang alalay ng mga kaalyadong bansa. Alam kasi ng mga Tsekwa na wala tayong kakayahang labanan sila. Surot lang ang tingin nila sa atin.

Pero napatunayan natin noong isang araw na kapag nari­riyan sa ating tabi ang ating mga malalakas na kakampi, tiklop ang mga tsekwa kahit pa nakamasid ang kanilang malalaking barkong pandigma. Tameme sila!

Nairaos nang matiwasay ng Pilipinas, Amerika, Australia at Japan ang nakaplanong joint military exercise sa ating exclusive economic zone sa West Philippine Sea. Naroroon at nakamasid lang ang dalawang Navy war vessels ng China na walang ginawang intimidation tulad nang dati nilang gina­gawa. Kapag nagsosolong pumapalaot tayo sa WPS Chinese militia lang ang ipinantatapat sa atin na may malalakas ng kanyon ng tubig.

Manduduro lang talaga ang China. Batid nito na mapanganib sa kanila ang makipagdigma. Kaya kahit isang putok lang ng baril ay hindi nila kayang gawin dahil Ito’y maghuhudyat ng digmaan.

Kaya nga ang mga nagsosolong sasakyang pandagat natin ay binobomba lang ng tubig dahil kapag pumuputok na sandata ang ginamit ay reresponde na ang ating mga kaalyado sa pangunguna ng Amerika.

Dapat nang ipatupad ang regular na magkasanib na pag­papatrulya sa karagatan na mahalagang trading route ng mga bansa sa daigdig. Ang pagsasamasama ng mga bansa sa pagpapatrulya ay balidong dahilan upang mapangalagaan ang sea territory na kapag kinontrol ng mga Tsekwa ay pihong apektado ang ekonomiya ng mundo.

Bentahe naman sa China kapag napasakamay nito ang control sa karagatan. Lahat ng mga barkong gagamit sa ruta ay magbabayad sa mga gahamang Tsekwa. Kaya hindi pababayaan ng ibang bansa na mangyari na maghari sa mundo ang China.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with