^

PSN Opinyon

Tsokolate

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG hindi pa rin nawawala ang nakawan sa Ninoy Aquino International Airport, partikular na sa Terminal 3.

Delayed na nga ng ilang oras ang Cebu Pacific domestic flight ng anak at ng kanyang pamilya ng ilang oras noong Biyernes ng gabi eh ninakawan pa sila ng mga dala nilang pasalubong na tsokolate at chocolate spread na Nutella.

Anim na balikbayan boxes and dala nila pauwi galing sa bakasyon sa iba’t ibang parte ng United States. Dumaan pa nga sila ng Singapore para sa 17-hour layover bago dumating ng Manila noong Martes ng hapon.

Wala namang problema sa bagahe nila nang ­dumating sila sa Pilipinas at natulog pa nga sila ng dalawang gabi sa Maynila bago tuluyang umuwi dito sa Davao City noong Biyernes ng gabi.

At ‘yun na nga. Pagdating ng bahay, saka lang nila nalaman na sinira pala ang isang bagahe at kinuha ang mga tsokolate at Nutella choco spread.

Alangan naman sa flight ‘yon nangyari eh wala naman silang problema  pagdating nila noong Martes ng gabi.

So, ang problema nga ay nangyari sa domestic flight at malamang yun ay habang naghihintay sa delay ng flight.

Totoo tsokolate lang ang nawala ngunit hindi naman pupuwedeng magpatuloy ang ganitong masamang ginagawa sa NAIA.

Ang gandang tourism come-on ng “Mabuhay at Maligayang Pagdating sa Pilipinas” ang bayan ng magnanakaw sa airport pa nga lang. 

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->