Pagkakaintindihan sa lengguwahe
TOTOONG kailangan ang respeto at sinseredad sa posible at inaasahang dayalogo sa pagitan ng China at Pilipinas ukol sa lumalaking problema sa West Philippine Sea.
Ngayong mas tensiyonado na ang di-pagkakaunawaan ng dalawang bansa, may nagmumungkahi na kailangan nang pumasok ng China sa isang dayalogo kasama ang Pilipinas.
Ito ay upang maiwasan ang isang full-blown war sa magkatunggaling bansa na involved sa territorial dispute.
At sana maging sincere at respetuhin ng China ang dayalogo.
Ngunit maliban sa respeto at sinseredad, kailangan din na magkaintindihan ang mga nasa baba, ‘yung mga crew ng coast guards ng dalawang bansa.
Anong halaga ng dayalogo kung ang nasa baba, sa mga barko mismo na nasa West Philippine Sea ay hindi magkaintindihan?
Hindi marunong mag-Chinese ang mga Pilipino Coast Guard. Ganundin naman ang mga Chinese na hindi marunong ng lengguwahe nating mga Pinoy.
At dahil hindi nga rin sila marunong ng Ingles e, talagang patuloy ang bangayan sa karagatan.
Wala silang pakialam sa dayalogo ng mga matataas na opisyal ng dalawang bansa. Wala ring mangyayari sa dayalogo nila.
Happy New Year sa Lahat!
- Latest