^

PSN Opinyon

Parangal mula sa French government

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

LUBOS akong nagpapasalamat sa French Government sa pagkilala nito sa ating mga programang nagsusulong sa karapatang pantao, lalo na ang persons deprived of liberty (PDL).

Congratulations din sa SPARK! Philippines, na pina­mumunuan ni Executive Director Maica Teves, na kasama kong naimbitahan sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration on Human Rights at ika-25 ani­bersaryo ng Universal Declaration of Human Rights De­­­fenders. Idinaos ang event sa mismong Palais de Chaillot sa Paris, ang makasaysayang lugar kung saan pinagtibay ng United Nations General Assembly ang deklarasyon.

Ang event ay inorganisa ng French Ministry for Europe and Foreign Affairs at Ministry of Justice, at dinaluhan mismo ni French President Emmanuel Macron.

Isa sa mga tinutukan ko noong ako’y naupo bilang mayor ay ang kapakanan ng ating mga PDL, lalo na ang hanay ng kababaihan sa ilalim ng “No Woman Left Behind” program para sa kanilang kalusugan, edukasyon at kabuhayan.

Katuwang ang SPARK! Philippines, nagsagawa tayo ng ilang programa para sa mga PDL sa Female Dormitory, gaya ng paggawa ng mga tote bag gamit ang 70 toneladang tarpaulin na ginamit sa kampanya.

Nakatulong ito hindi lang sa pagbawas ng basura, kundi nagbigay din ng kabuhayan sa mga babaeng PDL.

Bukod pa riyan, binigyan din natin sila ng pagkakataon na mapalago ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng iba’t ibang programa katuwang ang Technical Education And Skills Development Authority (TESDA). Nariyan ang basic baking at bread making, meat processing, at candle making.

Puwede ring mag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) Program ang mga nais na makapagtapos ng elementary at high school. Kamakailan lang, nasa 142 female PDLs ang nag-graduate sa ilalim ng nasabing programa. Inihahanda na rin natin ang hiwalay na programa para sa nais makumpleto ang senior high at kolehiyo.

Sa mga nais magkaroon ng kabuhayan, may nakahanda nang livelihood programs para sa kanila ang ating Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO), na pinamumunuan ni Mona Celine Yap.

Siyempre sa kanilang paglaya, bibigyan din natin sila ng tulong pinansiyal bilang puhunan sa pangarap nilang negosyo para makapagsimula ng bagong buhay.

Sa paraang ito, matitiyak nating kumpleto ang proseso ng rehabilitasyon hanggang matagumpay silang makabalik sa komunidad na kanilang kinabibilangan.

vuukle comment

GOVERNMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with