^

PSN Opinyon

COVID-19 pinakamahirap na laban ng Duterte admin

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

BAWAT administrasyon ay nahaharap sa anumang laban­ maging kontra droga, New People’s Army, mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front, mga bandido, at Abu Sayyaf, maging ang laganap na kriminalidad.

Nandun din ang laban sa korapsiyon at sa mga taong pinagkaperahan ang kanilang pagiging parte ng tungkulin sa gobyerno.

Ngunit sa lahat ng laban, may isang laban ang pamahalaang Duterte na pinakamahirap sa lahat ng laban—ang laban sa COVID-19 na ikinawindang ‘di lang ng Pilipinas ngunit ng buong mundo.

Sa Pilipinas nga lang ay umabot ng 4,114, 680 ang total­ number of cases at may tinatayang 66,606 ang confirmed cases ayon sa World Health Organization­ situation­.

Walang pinapatawad ang COVID-19 at hindi man sasang-ayon ang lahat ngunit talaga namang maayos ang pagdala ng administrasyon ni dating President  Duterte sa pagsiguro nitong mabakunahan kundi man lahat, ang nakakarami sa ating mga kababayan.

Maliban sa pagtayo ng mga task forces laban sa CO­VID-19, minabuti rin ni Duterte na harapin ang bayan sa pamamagitan sa kanyang weekly meeting tuwing Lunes ng gabi at ang kanyang “Talk To The People’ address” upang malaman ng sambayanan kung anong hakbang ang gina­gawa ng gobyerno gaya sa procurement at pag-administer ng vaccines maging sa pagpatayo ng COVID-19 hospitals para sa ating mga mamamayan.

Hindi naging madali ang laban natin sa COVID-19 sana hindi na bumalik o mangyari muli ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with