^

PSN Opinyon

Mobile Library ng Makati bidang-bida sa Singaporeans!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Nitong nakaraang linggo, marami tayong mga espesyal na panauhin sa City Hall. Nagagalak ang aming puso na sila ay i-welcome sa ating lungsod at pasalamatan sila sa kanilang tiwala at suporta. Alam naman po ninyong lahat na ang magandang relasyon sa ibang bansa at ibang pamahalaang lungsod ay nakakatulong sa ating mga prog­rama. Bukod sa mga donasyon, grants, at exchange prog­rams, maganda ang ibinubunga ng pagpapalitan ng idea at pagsi-share ng mga best practices ng iba’t ibang bansa.

Ang American Chamber of Commerce of the Philip­pines (AMCHAM) ay mayroong doorknock program kung saan nakikipag-meeting sila sa mga sangay ng pamahalaan tulad ng mga LGU, miyembro ng Kongreso, mga departamento ng pamahalaan, at maging business leaders­ at thought influencers. Ginagawa nila ito upang malaman ang kanilang opinyon sa mga mahahalagang isyu, at siyem­pre para mangumusta na rin at ipagpapatuloy ang magandang relasyon ng AMCHAM sa kanilang mga dinadalaw.

Sumunod na bisita natin ang French delegation sa pangu­nguna ni French Ambassador Marie Aude Francois Fontanel. Kasama sina Deputy Head of Mission Remy Dakour Tirouttouvarayane, at Head of Administration Veronika Vanek, buhay na buhay ang aming kwentuhan tungkol­ sa women empowerment initiatives, public-private part­ner­ships, at kung paano patitibayin ang magandang diplo­matic relations ng France at Makati. Bukod dito, napag-usapan din ang nalalapit na COP28 sa Dubai at nabanggit ang mga posibleng sustainable development programs na ma­aaring i-suggest sa nasabing pagpupulong ng global leaders.

At nitong Friday naman, 43 members ng Singapore Mi­nistry of Foreign Affairs ang dumalaw sa ating lungsod. Ang kuwento nila sa amin ay bumilib daw sila sa ating Mo­bile Library program kaya naman nag-organize sila ng isang book donation event sa tulong ng International Relations Department natin. Dumating sina Singapore Ambassador Constance See; Second Secretary Political, Ms. Amanda Cheah; Ms. Sofi Espejo at iba pang miyembro ng delegasyon sa Makati Elementary School para makita ang Mobile Library at masubukan first-hand kung paano ito ginagamit.

Inilunsad natin ang programang ito noong June para tugunan ang tinatawag na “learning gap” na naging epekto ng COVID-19 pandemic sa ating mga mag-aaral. Ang Mobile Library ay may mga babasahin, Smart TV, laptop, at mga libro sa English, Filipino, Social Studies, at Literature. May schedule ang pag-iikot nito sa iba’t ibang barangay at paaralan. Ito ay para bigyan ng pagkakataon ang lahat ng bata, at pati matanda, na gustong magbigay ng oras para magbasa at matuto. Mayroon ding teacher aides na naka-standby sa Mobile Library at handa silang mag-assist sa residente o estudyante na mangailangan ng tulong sa paggamit ng mobile devices.

Ang Singapore delegation ay nagdala ng mga libro at iba pang babasahin para sa mga Makatizen. Talaga namang ikinatuwa ko ang ginawa nilang ito dahil nagpapakita ito ng concern para sa ating mga mag-aaral at pagbibigay ng suporta sa ating munting proyekto. Sa lahat po ng ating mga kaibigan mula sa ibang bansa na bumibisita sa Makati, salamat po sa pagbibigay ng oras at halaga sa aming mga ginagawa. Ang mga lungsod sa iba’t ibang panig ng mundo ay kailangang may kooperasyon at pagkakaisa para umunlad at umabante. Lagi at lagi kong ibibida ang ating mga programa at inobasyon, at syempre pa, ang angking galing, sipag, at talino ng mga #ProudMakatizen.

AMCHAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with