^

PSN Opinyon

Tigil-pasada huwag pigilan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kahit pabor ako sa programa ng pamahalaan tungkol sa modernisasyon ng mga public utility vehicles, hindi dapat hadlangan ng pamahalaan ang pagdaraos ng tigil-pasada ng drivers at transport operators na tumututol dito. Gaya ng pagdaraos ng mga welga ng mga obrerong may hinaing sa kanilang mga kompanya na ayaw dinggin ng management, karapatan nilang magpahayag ng pagtutol at dapat marinig ang kanilang mga tinig.

Plano ng transport sector na magdaos ng tatlong araw na tigil-pasada na isasabay sa pagbubukas ng State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Bongbong Marcos. Subalit kagyat nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) na kakanselahin ang kanilang prangkisa kapag ginawa nila ito.

Ang anumang welga o tigil-pasada ay ginagawa bilang last resort kung ayaw pakinggan ng pamahalaan ang kanilang mga daing tungkol sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang trabaho. Bahagi iyan ng kalayaan ng mamamayan basta’t ito ay ginaganap nang may hinahon at walang nangyayaring kaguluhan. Kung gaganapin ito, responsibilidad din ng pamahalaan na magtalaga ng mga tagapagpatupad ng batas upang tiyakin na ang mass action ay maging mapayapa.

At kung ang isa sa mga kalahok sa mass action ay masaktan ng law enforcers dahil gumawa ng karahasan, hindi dapat magreklamo ang mga kasamahan niya sapagkat iyan ay bahagi ng tungkuling dapat gampanan ng pulisya. Napansin ko naman na ang mga ginaganap na transport strike ay wala namang naitatalang kaguluhan at madalas, hindi rin nagtatagal at bumabalik na rin sa trabaho ang drivers dahil kailangan din nila ng pera.a

Inuulit ko na suportado ko ang transport modernization. Ngunit kung may mga probisyon ito na hindi paborable sa ating maliliit na drivers at operators, dapat dinggin pa rin ang kanilang boses at plantsahing mabuti ang programa para marating ang isang kasunduang katanggap-tanggap sa lahat.

LTRFB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with