^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ibawal, pagtira sa pampang ng estero

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ibawal, pagtira sa pampang ng estero

Sa administrasyon nina dating President Gloria Macapagal-Arroyo at Noynoy Aquino, ipinagbawal ang pagtira sa mga pampang ng estero at ilalim ng tulay. Ang mga nakatira sa pampang ng estero na umaapaw ang basura ang madalas na nahaharap sa panganib. Sa pagtaas ng tubig sa panahon ng tag-ulan at bagyo, inaanod ang kanilang bahay at ang masaklap kasamang nalulunod ang mga nakatira. Kaya sa panahon nina Arroyo at Noynoy, maraming inilikas mula sa pampang at i­lalim ng tulay. Inilipat sila sa pabahay ng gobyerno.

Ang nakapagtataka, nagmistula na namang kabute na nagsulputan sa mga pampang ng estero at sapa ang mga tao. Pati ang mismong kabuuan ng estero ay sinakop na nila at natakpan na ang estero. Hindi na gumagalaw ang tubig sapagkat pati ang basura nila ay sa estero na itinatapon.

May mga ordinansa rin na ipinasa ang local government units (LGUs) na nagbabawal sa pagtira sa mga pampang ng estero pero ngayon ay nababalewala na at lalong kumapal ang mga taong nakatira sa pampang. Hindi lamang ang panganib sa pagtaas ng tubig o baha ang kinakaharap ng informal settlers kundi ang iba pang trahedya.

Isang halimbawa ay ang nangyaring pagbuwal ng isang punong balete sa Estero de Magdalena sa Binondo, Maynila, noong Huwebes na ikinamatay ng tatlong tao. Nakilala ang mga biktima na sina Edcel Landsiola at ang mag-amang Jomar Portillo at John Mark. Nasugatan naman sina Katelyn Caparangan, Reynaldo Caparangan, Alvin Portillo at Gecalyn Villorigo. Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nangyari ang insidente dakong 12:30 ng madaling araw.

Ayon sa National Housing Authority, bibigyan ng bahay ang mga pamilyang naapektuhan ng nabuwal na balete. Hindi naman sinabi ng NHA kung saang lugar nila ililipat o bibigyan ng bahay ang mga apektadong informal settlers.

Nararapat lamang na pagkalooban nang matitirahang bahay ang mga apektado ng insidente pero ang mas mahalaga ay alisin ang mga naninirahan sa pampang para mailigtas sila sa panganib. Siguruhin naman na ang paglilipatan sa kanila ay may sapat na tubig, kuryente at mayroon ding pagkakakitaan. Siguruhin din naman na hindi na babalik sa pampang ang mga inilikas. Gawin ito upang hindi na maulit ang malagim na insidente.

GMA

NOYNOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with