^

PSN Opinyon

Kaso ng dinukot na tong kolektor, magagaya sa missing sabungeros?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Flash report: Lalong nagtaasan ang presyo ng gulay at pamasahe sa e-trike sa Maynila nitong nagdaang mga araw subalit hindi ito kasalanan ni President Bongbong Marcos. Ang itinuturong dahilan ay ang bagong upong hepe ng CIDG sa Maynila na si Lt. Col. Benedict Poblete. Tsk tsk tsk!

Mukhang hindi kuntento si Poblete sa weekly payola niya at kumuha siya ng dalawang tong kolektor sa katauhan nina SSgt. Ryan Malacad na naka-assign sa Traffic Bureau at isang sibilyan na si Bong Cabral. Mukhang nagpapalakihan ng parating sina Malacad at Cabral kaya hayun...pati vendor at e-trike driver ay pinapatulan nila. Araguuyyyyy! Kung nagtaasan ang presyo ng sibuyas at gulay at pamasahe sa e-trike, abaaaa huwag si BBM ang sisihin n’yo mga kosa ha? Alam na!

Hindi lang sa Manila nagkagulo ang tabakuhan, kundi maging sa Calabarzon area matapos bumalik sa puwesto si Col. Marlon Santos, hepe ng CIDG-4A. Ano ba ‘yan? Mukhang hindi kaya ng mga financiers ng sugal-lupa ang panggigipit ng mga bagman ni Santos na sina Rico Posadas at alyas Tata Obet. Anyare sa CIDG? Imbes na mga kriminal ang habulin eh pagkakakitaan ang inuuna.

• • • • • •

Malakas ang paniniwala ng pamilya ni Jun Cruz na mga pulis ang dumukot sa kanya at anak niya sa Quezon City. Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan makikita na may kausap si Jun Cruz na dalawa katao. Sinabi ng mga kosa ko na ang nakasuot ng puting t-shirt ay isang pulis dahil may nakabukol ito sa baywang.

Ayon sa mga kosa ko ang naka-puting t-shirt ay si alyas Paskie na isang pulis na taga-Central Luzon. Samantalang ang kausap sa gitna ay hindi pa kilala. Dipugaaaaa!

Kayo mga kosa, baka kilala n’yo ang mga kausap ni Jun Cruz o Domingo Mendaro Sr. sa tunay na buhay?

Napakinggan ng mga kosa ko ang usapan at binabanggit ng tatlo ang probinsiya ng Mindoro. Si Jun Cruz mga kosa ay isang tong kolektor ng mga opisyal ng PNP at mukhang may plano silang tatlo na pasukin o magpalaro sa Mindoro. Ang video ay kuha mga ilang araw bago dinukot ang dalawang biktima, anang mga kosa ko. Ano pa nga ba? May linaw na kaya ang kaso ni Jun Cruz? Dipugaaaaa!

Mahigit isang linggo nang dinukot si Jun Cruz at anak na si Domingo Mendaro III at nag-uusap pa ang pamilya nito kung ano ang mga susunod nilang hakbangin. Kumikilos naman ang CIDU ng QCPD subalit mukhang usad-pagong ito, di ba mga kosa?

Basta ang dahilan sa pagdukot sa mag-ama, ayon sa mga kosa ko ay ang hinirit ni Jun Cruz na P1 milyon para sa kanyang amo. May binabanggit na pangalan na Lando at Manny na mga oil smuggler na nakabase sa Maynila at Navotas na maaring may kinalaman sa kaso ng mag-ama. Subalit hanggang sa ngayon, Marites lang ang balitang ito dahil wala namang lumutang na testigo para patotohanan ito. Paktay!

Hindi nalalayo na masama sa kaso ng missing sabungeros ang pagdukot mag-amang Mendaro. Eh di wow! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

BENEDICT POBLETE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with