^

PSN Opinyon

Alphaland luxury homes sa Benguet, nahaharap sa alanganin

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Naghain ng “Notice of Violation” ang Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources sa Alphaland Baguio Mountain Log Homes, Inc. sa diumano’y pagtatambak ng lupa hanggang sa labas ng area sa nagpapatuloy nitong condominium development sa sitio Tocmo, Loacan, Itogon, Benguet.

Nakasaad sa January 3, 2023 Notice of Violation ang 11 paglabag ng Alphaland sa Environmental Management Conditions and Environmental Compliance Certificate nito gaya ng kawalang nagawang “mitigation interventions” sa excavation activities na lubhang mapanganib sa kapaligiran gaya ng mga malapit na kabahayan, sapa o ilog, lalo na kapag dumating na ang tag-ulan.

Ang nakapagtataka, bakit sa kabila ng matagal na nitong development sa lugar,  wala pa rin itong Discharge Permit, Permit to Operate and Hazardous Wastes Ge­nerator ID na ipinangako nito sa EMB noong Mayo pa ng nakaraang taon na ayon sa EMB ay paglabag sa naigawad na ECC nito.  Hindi ba’t nararapat lamang na mauna muna ang mga permits bago mag-umpisa ang mga kahalintulad na proyektong makaaapekto sa kapaligiran?

Ayon pa sa EMB, hindi pa rin inilalahad ng Alphaland ang “proof of compliance” nito sa Information and Education Campaign (IEC) na nararapat nang naisagawa upang ipaalam sa mga apektadong mamamayan sa lugar ang mga isasagawang environmental at human safety features ng luxury condominium project.

Ayon pa sa pagsisiyasat ng EMB noong Disyembre 2022,  mayroong mga naputol na kahoy sa project area na walang mga kaukulang permit mula sa DENR.

Sa isinagawang Technical Conference noong Biyernes ng EMB at mga kagawad ng Alphaland, hindi na nakipagtalo pa ang luxury homes developer sa ahensiya ng goberyno kundi tumalima na lang sa mga resulta ng pagsisiyasat ng EMB at nangako ng kahandaang tutupdin ng mga rekomendasyon upang pangalagaan ang kapaligiran sa Itogon, Benguet.

Sadyang inamin ng Alphaland ang mga paglabag at nagpakita ng kahandaang ituwid ang mga pagkakamali nito sa mga sinumpaan nito sa pamahalaang susunding mga panuntunan ukol sa isinasagawang development nito sa Itogon.

Mainam kung ganito kaayos ang kinahihinatnan ng mga dayalogo ng mga kagawaran ng pamahalaan at mga kompanyang nagsasagawa ng mga proyektong may kaugnayan sa kapaligiran. Ngunit, hindi ba masyado pang maaga para husgahan kung tagumpay nga ang resulta ng paghaharap ng EMB at Alphaland?  Hindi ba masasabi lamang na tagumpay ito kung ang lahat ng pangako ng Alphaland ay tutuparin nito sa takdang panahon?

Nangangailangan din ang masusing pagbabantay ng mga mamamayan ng Itogon sa pamamagitan ng mga halal na opisyales upang isiguradong tupdin ng Alphaland ang mga pangako nitong hakbang upang hindi na maulit ang mga paglabag!

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

ALPHALAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with