Sec. Boying, pakisilip ang TRO ng color games sa Cavite City!
Nagbukas ng apat na lamesang color games at isang drop ball sa carnival ni alyas Noime sa Cavite City at pinanonood na lang ito ng pulisya. Bakit? Ang dahilan ni Cavite police director Col. Christopher Olazo ay nagkaroon ng temporary restraining order si Noime mula sa Regional Trial Court (RTC) 4th Judicial Region. Abaaaaaa! Ang lufet! Bago ito ah! Hehehe!
Pinilit talaga ni Noime na mapabuksan ang color games at drop ball n’ya para maganyak ang mga Caviteño na dumugin ang carnival niya sa fiesta ng Cavite City sa November 13. Ang Patron Saint ng Cavite City ay si Nuestra Senyora de Porta Vaga. Happy Fiesta in advance sa siyudad ni Cavite City Mayor Denver Chua.
Ngayon lang ako nakarinig na pati ba naman color games at drop ball ay may TRO na. Noong panahon kasi ni Tatay Digong, tinuldukan niya ang TRO dahil palaging inaabuso lang. Pakisilip nga itong TRO sa color games at drop ball ni Noime, Justice Sec. Boying Remulla para pangalagaan mo rin ang mga kababayan mo laban sa talamak na sugal sa carnival ni Noime. Dipugaaaaa!
May dokumento namang nakuha ang Dipuga para magpapatunay na nag-apply ng Injunction with prayer for Issuance of Preliminary Mandatory Injunction and Temporary Restraining Order itong si Noime Guanzon at abogadong si Atty. Joebert Abibas sa RTC ng Cavite City. Nitong October 28, 2022, nagpalabas si Atty. Victor Austria Jr., ang chief Clerk of Court, ng Notice of Raffle sa kahilingan ni Noime sa ilalim ng Civil Case No. N-9433. Inutusan ni Austria na sumipot sa hearing sa sala ni Executive Judge Franco Paulo Arago, ng RTC Branch 88 nitong Nov. 2 at 2 p.m. sina Guanzon at Atty. Abibas.
Wala pang makuhang dokumento ang Dipuga kung aprubado o hindi ni Judge Franco ang TRO plea ni Noime. Kaya lang napuna ng mga kosa ko na ang TRO ay para sa chief of police ng Cavite City, at maliwanag na hindi naman kasali itong mga tauhan ni Olazo. Puwede ring ma-raid ito ni Col. Melvin Montante, ang intelligence chief ng Calabarzon police. Eh di wow! Anong sey mo Sgt. Jun Chan, na bayaw ni ex-House Speaker Lord Velasco. Pasado kaya ang gimik ni Noime? Dipugaaaaa!
Teka nga pala! Kung naipasara dati ni Mayor Chua ang pasugalan ni Noime walang dahilan para hindi niya magawang muli ito dahil hindi naman siya kasali sa TRO, di ba mga kosa? Kung sabagay, malakas ang hinala ng mga kasamahan ni Noime sa hanapbuhay na may “kasosyong-laway” ang una sa LGU ng Cavite City. Ano sa tingin mo Mayor Chua Sir? Hehehe! Mahirap talagang umiwas sa kinang ng pitsa ni Noime, di ba mga kosa? Abangan!
- Latest