^

PSN Opinyon

Online campaigning praktikal at eco-friendly

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kapag nagsimula ang pangangampanya ng mga pulitiko, nagiging malaking problema ang pagbabaklas ng mga campaign posters sa mga pader at poste, at ang pagwawalis sa mga nagkalat na pulyeto sa lansangan. Nangyayari na nga iyan ngayon.

Todo hataw na simula noong Martes sa ­pangangampanya ang mga kandidato. Kaya asahan natin ang katakutakot na poster at pulyeto na magkakalat sa daan. Posible bang mangampanya ang kandidato na walang mga pabonggang posters, pulyeto at mga caravan?

Para kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na nagbabalik-senado, puwedeng puwede. Kahit motorcade ay walang balak gawin ang dating speaker sa loob ng 90 day campaign period. Ang kampanya raw na gagawin niya ay sa pamamagitan ng digital platforms. Ito ang tinatawag niyang eco-friendly political lead by example campaign trail. 

Noon pa ay naiisip ko na ito lalo na sa panahon na may pandemya pa. Kahit sinong kandidato ay puwedeng maglunsad ng isang digital campaign sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platforms dahil ayon sa Pulse Asia, 63% na ng mga Pilipino ang may access sa internet.

Praktikal ang ideya at tingin ko ay makatitipid ang kandidato. Wala nang magpapako ng mga posters sa mga puntong kahoy na madalas nasasalanta dahil sa ganitong nakagawian.

Nakiusap si Cayetano sa kanyang  mga supporters na huwag na ring mag-imprenta ng mga campaign materials bilang tulong sa kanyang kampanya. Sayang lang aniya ang tinta at papel na gagamitin bagkus hinimok niya ang mga ito na suportahan siya sa kanyang social media campaign para makabalik sa Senado. 

Umaasa si Cayetano na susuportahan siya ng mga tao at tututukan ang kanyang kampanya sa Facebook at sa iba pang social media platforms upang hikayatin ang tao na ibalik siya sa Senado.

CARAVAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with