^

PSN Opinyon

Iba ang nakikita ng mata…

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PUMALAG si presidential aspirant at Senator Ping Lacson sa lumabas na media advertising report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ). 

Ayon kasi sa report, si Lacson ang “top spender” kumpara sa iba pang presidential candidate. 

Kulang na lang sabihin ng senador, kasinungalingan at mali-mali ang datos ng report. 

Ako rin ay hindi makasang-ayon sa lumabas na report. Magbabase ako sa aking karanasan at obserbasyon lalo na sa digital at social media.

Sa aming videos sa YouTube, puro commercial ni VP Leni Robredo at Mayor Isko Moreno ang lumalabas na mga commercial. 

Sila ‘yung babad at pahabaan pa ng commercial, kapiranggot lang kay Lacson. Kaya para sa akin, mukhang hindi tugma ang report sa nakikita ng mata. 

Hindi lang sa mga palabas ng BITAG sa digital, ganundin naman sa ibang palabas. ‘Yung dalawa talaga ang malakas.

Hindi ko naman kinukuwestiyon ang report, iba lamang ang aking obserbasyon base sa aking personal na karanasan at nakita. 

Mismong si Lacson, kumasa sa lumabas na report, takang-taka kung saan nanggaling ang mga datos. Sila mismo sa kanyang campaign team, hindi makita ang mga halagang ipinahayag. 

Sabi raw kasi sa report, halos P1 bilyon ang ginastos ng kampo ni Lacson na itinanggi naman ng senador. 

Unless, kung ‘yung P1 bilyon na ‘yun ay ibinulsa lang at hindi ginamit. Ibang usapan na ito.

vuukle comment

PHILIPPINE CENTER FOR INVESTIGATIVE JOURNALISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with