Reyalidad ng social media
Sa isang lugar na nasalanta ng kalamidad, trabaho ng gobyerno na pumunta roon sa lokasyon na ‘yun.
Iba naman kapag ang isang pulitiko ay nakikipag-unahang dumayo, gusto laging mauna roon sa lugar kasama ang kanyang production crew at entourage. Mala-kidlat ang kilos at nakikipag-unahan sa gobyerno.
Para maunang maglabas at magpakalat sa social media ng kanilang praise release. Hindi mo tuloy maiiwasang magtanong kung talaga bang nasa puso nila na naawa sila kaya tumutulong? O para sa picture-picture lang?
Kapag nakita na ng netizens ang post, it’s either emoji like, laugh, galit, wow o heart. Either magkokomento sila ng may konting taas ng emosyon o may pagkapilosopo, may konting saltik o pitik na parang may pang-iinsulto. This is social media.
People don’t just attack you, there’s always a point of reference. Kasi nga naman, a picture paints a thousand words. So, kapag ba ang taumbayan hindi sumang-ayon, hindi umaayon at hindi naniniwala sa mga impormasyon na inilalatag, ito ba ay matatawag na misinformation, disinformation at fake news?
The world of social media is so different from the traditional media. People are more vocal and expressive. Kaya when someone is saying na ‘yung manok nila ay biktima ng social media attack, fake news and disinformation – sinong nagsabi o kaninong standard?
Ang kaibahan sa social media, you cannot control the reactions of people. Unlike before sa traditional media, media lang ang may control – one way lang. Kapag ikinalat mo ang isang information sa social media, siguradong may magrere-act, instantaneously. Depende na ‘yan kung pabor sa pinost mo o hindi.
Each interpretation and perception will differ and this is a reality.
Kaya kayong mga huma-handle sa inyong mga manok, kayong mga handler ang nagkakamali hindi ang manok ninyo. Kaya ang manok ninyo ang napagbubuntunan ng buwisit ng mga tao dahil kung anu-ano ang pinapagawa n’yo, kung anu-ano ang pinu-post n’yo.
Kayong mga handler ang gumagawang katawa-katawa sa mga kandidato n’yo and it creates interaction. Kung ano ang epekto, sasalamin ‘yan sa mga like and dislikes ng inpormasyong ipinakalat n’yo.
Bato-bato sa langit ang tamaan, ‘wag magalit…
- Latest