^

PSN Opinyon

Pinas, inimbitahang mag-bidsa 2030 Asian Games

AKSYON NGAYON - AL G. Pdroche - Pilipino Star Ngayon

DAHIL impressive ang hosting ng Pinas sa 2019 SEA Games, inimbitahan ang Pilipinas na magbid sa pagho-host ng Asian Games sa 2030.

Hinangaan ng VP ng Olympic Coucil of Asia (OCA) ang paghingi ng sorry nina Pangulong Digong at Speaker Alan Cayetano sa mga nangyaring aberya sa pagha­handa sa 30th SEA Games. Tanda ito ng kababaang loob.

Sabi ni Wei Jizhong, Vice President ng OCA, hindi nila ito dapat ginawa porke normal lang naman na may nangyayaring gusot sa mga malakihang sports events kahit saan man sa buong mundo. Kaya dahil sa tuwa ni Jizhong, inimbitahan niya at hinikayat ang mga opisyal na subukang mag-bid para sa hosting ng Asian Games na gaganapin sa 2030. Ang sabi ng bise presidente ng OCA, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng aberya sa mga ganitong palaro. Dahil maging sa Asian Games ay nangyayari rin ang ganitong problema.

Kapwa nangako sina Duterte at Cayetano na sosolu­s­­yunan ang anumang gusot sa SEA Games. Patunay lang ito ayon sa opisyal na handa na ang Pilipinas sa pagho-host ng mas malaki pang sports event.

Sa totoo lang, kayang-kaya na ng Pilipinas na magdaos ng Asian Games dahil ‘di hamak na pang olympic ang kalidad ng mga bagong gawa na sports venues gaya ng stadium at aquatic center sa New Clark City sa Tarlac­ na hinangaan din ni Jizhong. Mabuti pa si Jizhong, ma­runong kumilala at kumilatis sa pagpupunyagi ng ating bayan para maidaos nang mahusay ang 30th SEA Games.

Very obvious na inspirado ang ating mga atletang Pinoy. Kaya naman patuloy na humahakot sila ng gintong me­dalya. Sa ikalawang araw pa lamang ng SEA Games nitong Martes ay naka 37 ng gold medals ang koponan ng Pinas. Nahigitan na ang total na 23 gold medals na nakuha ng Pinas noong 2017 SEA Games.

Sana naman, matauhan na ang mga taong pumupuna at bumabatikos sa SEA Games at makita na nila ang katotohanang di kayang igupo ng mga negatibong usapin ang dangal, tatag at dignidad ng atletang Pinoy.

Bakit di na lang tayo magkaisa sa pagpalakpak at pagsuporta sa lahat ng mga manlalarong lumalahok sa SEA Games? Hindi yung tayo pa ang bumibira sa sarili nating bayan. Di pa ba kayo natutuwa niyan, 2nd day pa lang, wagi na tayo at patuloy pang humahakot ng ginto hangga ngayon?

vuukle comment

ALAN CAYETANO

ASIAN GAMES

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with